Sereno sa bayan: Ating mga institusyon, dapat bantayan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sereno sa bayan: Ating mga institusyon, dapat bantayan

ABS-CBN News

Clipboard

Itinuturing ni Maria Lourdes Sereno na isang 'biktima' ang sarili kasunod ng 8-6 boto ng mga kasamahang mahistrado sa Korte Suprema na nagpapatalsik sa kanya bilang chief justice.

"I am a victim today. But I am just one of so many," sabi ni Sereno sa isang press briefing pasado alas-6 ng gabi nitong Biyernes.

Sabi ni Sereno, kung siya ang hinatulan ng ganito ng Korte Suprema, paano pa raw ang ibang taong maaaring nakukulong dahil sa hindi umano patas na desisyon ng Korte.

Nanawagan din siya sa taumbayan na maging mas mapagmatyag sa gitna ng aniya'y pagsikil sa mga tumitindig para sa tama.

ADVERTISEMENT

"Our institutions are falling. Those who are trying to do right are either in jail or being persecuted (Bumabagsak na ang ating mga institusyon. Ikinukulong o kaya'y pinipigilan ang mga gumagawa nang tama)," ani Sereno.

"Kailangan po nating bawiin ang ating bansa sa kadiliman. Kailangan po nating hanapin ang boses ng maliliit."


'GUSTO NG PANGINOON'

Gaya sa ilang nakalipas na insidente, muling sinabi ni Sereno na ipinauubaya niya ang lahat sa Panginoon.

Kuwento ng napatalsik na punong mahistrado, nang malaman niya ang desiyon sa quo warranto petition laban sa kaniya, naisip niyang iyon ang kagustuhan ng Panginoon.

"When I heard that was the decision, of course someone who has known God to be a very good and loving Father, will say 'this is Your will, Lord.' And this is out of love that I must accept this and move on to the next phase," sabi ni Sereno.

ADVERTISEMENT

Matatandaang naging pahayag ni Associate Justice Samuel Martires sa oral arguments sa Baguio na maituturing na senyales ng mental illness ang labis na pagtitiwala sa Diyos.

"Would you agree it's a mental illness when a person always invokes God as the source of his strength? The source of happiness? The source of everything in life? Is that mental illness?" sabi ni Martires sa Supreme Court oral arguments.

Ipinetisyon ni Sereno na mag-inhibit si Martires sa pagdedesisyon sa quo warranto.

Isa si Martires sa walong mahistradong bumoto pabor sa quo warranto.

"Biruin mo 'yong nag-aakusa sa 'yo, siya pa ang maghuhusga sa 'yo, saan ka nakakitang lupalop ng mundo na nangyari 'yon?" sabi ni Sereno.

ADVERTISEMENT

Naniniwala rin si Sereno na dalawa lang ang bumoto para mapatalsik siya.

Kung tutuusin daw kasi ay nauna nang pina-inhibit ni Sereno ang anim sa walong bumoto para mapawalangbisa ang pagkakatalaga niya bilang punong mahistrado.

"Kung 'yong mga six naman talaga nag-inhibit according to the compulsory rules of inhibition, e di six-two sana [ang boto]. What I got this morning is a moral victory... Six justices dissented," ani Sereno.

"Kaya't ang paniwala ko po, nanalo po ako kasi ipinakita ko na tama po. Ang panawagan ko naman ay simple, 'hayaan niyo pong ang impeachment trial sa Senado ang maghusga kung ako'y bababa o hindi.'"


PAKIKIPAG-USAP KAY DUTERTE?

Natanong si Sereno kung naisip niya bang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte para maayos ang kanilang gusot.

ADVERTISEMENT

"Kung sakali mang makalusot ako sa impeachment, at ma-dismiss ito, ano pong sasabihin nila? 'Nakikipag-deal si Chief Justice'," paliwanag ni Sereno sa hindi niya pakikipag-usap sa pangulo.

"Masasabi ko po ng buong katapatan... hindi po ako nagkompromiso ng aking independensiya ni minsan."

Dagdag pa ni Sereno, may ilang nag-alok umano ng naturang pag-uusap sa pagitan ng dalawang pinuno ng magkapantay na sangay ng gobyerno.

"May mga nag-offer... puwede po bang pinaka-general ang gamitin kong word ay 'nag-offer'... For now, gano'n muna."

Noon lang Abril, sinabi ni Duterte na "uupakan" niya si Sereno.

ADVERTISEMENT

"If you are insisting, then count me in, count me in and I will egg [Solicitor General Jose] Calida to do his best. Ako na mismo maglakad, kalaban sa 'yo. Sinasabi ko na sa'yo na di ako nakikialam. Now, sige ka diyan, daldal nang daldal, o sige, upakan kita," birada ni Duterte laban kay Sereno noong Abril 9.

Bago nito, nagpahaging si Sereno sa isang okasyon ukol sa umano'y koneksiyon ni Duterte sa quo warranto.

"Mister President, kung sinabi mong wala kang kinalaman dito, pakipaliwanag po na bakit si SolGen (Solicitor General Jose) Calida na nagre-report sa iyo ang nag-file nitong quo warranto. Surely you must explain to the people why this unconstitutional act?" tanong ni Sereno kay Duterte noon ding Abril.

Ngayong napatalsik sa puwesto, makahulugan ang binitiwang pahayag ni Sereno.

"If he does not want it, it would have ended."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.