Grassfire sumiklab sa Cauayan City, Isabela | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grassfire sumiklab sa Cauayan City, Isabela

ABS-CBN News
Published May 12, 2021 02:32 PM PHT

Sumiklab ang grassfire sa isang resort sa Barangay Minante Uno sa Cauayan City, Isabela nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Cauayan City, bandang alas-7 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa nasusunog na damuhan sa compound ng isang resort sa Barangay Minante Uno.

Sa video na kuha ng Facebook user na si Chinky Charlie, makikita ang malawak na apoy at usok mula sa grassfire.

Agad naman rumesponde ang apat na firetruck, pero dahil sa lawak ng grassfire ay kinailangang magtawag ng isa pang truck para tumulong sa pag-apula sa apoy.

Nahirapan din umano ang mga firetruck na pumasok sa lugar dahil na rin sa makitid na daan.

Bandang alas-11 na ng gabi nang tuluyang maapula ang grassfire na pinakamalawak umanong narespondehan ng BFP Cauayan City.

Bukod sa Barangay Minante Uno ay umabot din ang grassfire sa ilang bahagi ng Barangay Marabulig Uno at San Fermin.

Wala namang naitalang napinsala na mga bahay o ari-arian.
Hindi rin isinasantabi ang posibilidad na kaya mabilis na kumalat ang apoy ay dahil sa mainit na panahon at lakas ng hangin.

Patuloy ang imbestigasyon para malaman ang tunay na sanhi ng grassfire.
Patuloy ang imbestigasyon para malaman ang tunay na sanhi ng grassfire.
ADVERTISEMENT
Noong Mayo 7 ng gabi, halos natupok naman sa sunog ang bahay ng isang pamilya sa Purok 7, Sitio Annaronan sa Cabagan.

Sa imbestigasyon ng BFP Cabagan, nagsimula ang apoy sa extension wire ng ilaw sa kusina.

Nakaligtas sa sunog ang pamilya na noon ay mahimbing na umano ang tulog pero nagising matapos kumatok ang kanilang kaanak na kapitbahay.

Paalala ng BFP na ibayong mag-ingat para makaiwas sa sunog lalo ngayong nararanasan ang matinding init.

- Ulat ni Harris Julio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT