Dagdag-kompensasyon para sa poll workers aprubado ng Comelec | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dagdag-kompensasyon para sa poll workers aprubado ng Comelec

ABS-CBN News
Published May 16, 2022 06:08 PM PHT
|
Updated May 16, 2022 07:18 PM PHT

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng dagdag na honoraria para sa mga guro at poll workers na kinailangang mag-overtime dahil sa mga pumalyang vote-counting machines (VCM).

May 2,000 VCM kasi ang nagkaaberya noong Mayo 9, araw ng halalan, kaya pinalawig ang voting hours para sa mga apektadong botante.

"Approved na po 'yan in principle, napag-usapan [ng Comelec] en banc," sabi ngayong Lunes ni Comelec Commissioner George Garcia.

Hindi pa binanggit ng Comelec kung magkano ang ibibigay na dagdag-kompensasyon sa poll workers pero nangakong across-the-board ito o para sa lahat ng nag-overtime dahil sa pumalyang VCM.

Noong weekend, iminungkahi ng Department of Education (DepEd) na gawing P3,000 ang additional pay.

Umabot, halimbawa, hanggang Tandang Sora Avenue ang pila ng mga botante mula sa gate ng Culiat Elementary School sa Quezon City noong Mayo 9.

Bunsod umano ito ng sirang VCM sa ilang presinto sa paaralan.

"Ginawan na ng paraan, pinapahinga na, tinututukan ng electric fan, ayaw pa rin siyang gumana," kuwento ni Jondie Bonilla, officer in charge sa Culiat Elementary School.

"Mayroon pang mga ibang presinto na nagkakaroon din ng problema. Iyon din, pare-parehas lang din ng problema, na hindi binabasa ang boto ng mga botante... Nagiging segurista rin ang mga botante na mabasa talaga at magkaroon ng resibo," dagdag ni Bonilla.

Inumaga na ang mga guro at iba pang poll worker at watcher sa pag-feed ng mga balota, pag-print ng paper trail, at pag-transmit ng mga boto.

Sang-ayon sa panukala ng DepEd ang Alliance of Concerned Teachers, na nagbigay na rin sa Comelec ng paunang listahan ng higit 1,000 electoral board members na nagtrabaho ng higit 24 na oras mula Mayo 9.

Nangako naman si Garcia na hindi lang mga guro ang mabibigyan ng dagdag-bayad.

"Kundi [pati] mga nagsilbi na mga support staff, 'yong mga technician diyan sa mga presinto na 'yan. Kinakailangan na sila ay pantay-pantay na matatanggap," ani Garcia.

Pinasalamatan naman ng DepEd ang mga guro sa kanilang ambag sa mapayapang halalan.
Pinasalamatan naman ng DepEd ang mga guro sa kanilang ambag sa mapayapang halalan.
ADVERTISEMENT
Tiniyak ng ahensiyang tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Comelec para sa pagbibigay ng election honoraria at iba pang allowance.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
halalan 2022
election
eleksyon
eleksyon 2022
elections
Philippine elections
polls
poll workers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT