Maynila sinimulan na ang pagtatayo ng sariling COVID-19 testing lab
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maynila sinimulan na ang pagtatayo ng sariling COVID-19 testing lab
ABS-CBN News
Published May 17, 2020 03:23 PM PHT

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtatayo ng sarili nitong testing laboratory para sa coronavirus disease (COVID-19), sabi noong Sabado ni Mayor Isko Moreno.

Sa Santa Ana Hospital ilalagay ang lab, na makatutulong para mas mapaigting ang testing operations ng lungsod.

"Magpapatayo po tayo ng sarili nating testing laboratory. This is our long term plan for you, for the city," ani Moreno.

"The room and the laboratory area is now being built bilang paghahanda ng inyong pamahalaang lungsod sa mga darating na buwan ng buhay natin na kabahagi natin si COVID-19," aniya.

Nasa 1,533 confirmatory test na ang naisagawa sa lungsod, ayon sa Manila Health Department.

Bukod sa itinatayong lab, inanunsiyo rin na nakakuha ang city government ng 8 mobile digital X-ray machines para sa mga district hospital.

Sa tulong ng mobile machines, hindi na kailangang pumunta ng mga pasyente sa X-ray room ng ospital. Sa ganoong paraan, maiiwasan na rin umano na malantad sila sa mga posibleng may COVID-19.

Sa tala noong Biyernes, umabot na sa 997 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Manila
Maynila
Isko Moreno
metro
metro news
COVID-19
COVID-19 testing laboratory
testing laboratory
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT