COC sa pagka-Pangulo at Bise Presidente, dumating na sa Senado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COC sa pagka-Pangulo at Bise Presidente, dumating na sa Senado

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Dumating na sa Senado ngayong Martes ang iba pang certificates of canvass (COCs) para sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Kabilang sa dumating ang COC mula Cebu province.

Sa ngayon nasa 142 COCs ang nadala sa Senado. Katumbas ito ng 82.08 percent ng kabuuang 173 COCs.

Ilan naman sa mga COC mula sa overseas absentee voting (OAV) ang dumating na rin sa Senado. Kasama dito ang COC mula CNMI (Agana), Kuwait, Japan, at Oman.

ADVERTISEMENT

Una na ring dumating dumating sa Senado ang COC mula Tawi-Tawi, Leyte. Davao City, Zamboanga del Sur, 63 barangays ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Siquijor, Bohol at Maynila.

Inaasahang ililipat sa Mayo 23 ang lahat ng ballot box na may COC sa Batasang Pambansa.

Doon bibilangin at ipoproklama ang mga nanalo sa presidential at vice presidential elections.

Patuloy pa ring nangunguna si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa partial, unofficial count mula sa Comelec transparency server.

Mayroong 31.1 milyong boto si Marcos, habang may 31.5 milyong boto naman si Duterte.

Una nang idineklara ng kampo ni Marcos ang kanyang pagkapanalo sa Halalan, at unti-unti na nilang binubuo ang magiging gabinete sa kanyang administrasyon.

—ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.