'Botcha’ at mishandled meat, nasamsam sa Recto
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Botcha’ at mishandled meat, nasamsam sa Recto
Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published May 19, 2018 09:30 AM PHT

Halos kalahating toneladang botcha o double dead na karne at mishandled meat, nasabat ng mga awtoridad sa Recto Avenue, Maynila. | via @LyzaAquinoDZMM pic.twitter.com/jgHJBnxMIw
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) May 18, 2018

MANILA - Nasamsam ng Veterinary Inspection Board (VIB) ang nasa kalahating tonelada na botcha o double dead na mga karne at mishandled meat sa Recto Avenue sa Maynila, Sabado ng madaling araw.

Ayon may Nicanor Reyes, head ng special enforcement Squad ng VIB, nagsasagawa sila ng routine inspection sa kanto ng Juan Luna Street at Recto Avenue nang makita nilang nakabalandra sa kalsada ang mga karne.

Wala umano silang naabutan na mga tindero at nang makitang nangingitim at nangangamoy na ang mga karne ay agad na nila itong kinumpiska. May mga karne rin na kahit wala pang amoy ay nahuling hindi nakasalansan ng maayos kaya kinumpiska rin ito.

Ayon kay VIB officer-in-charge Alberto Burdeos, isa ang Recto Avenue sa lugar na talamak ang bentahan ng botcha.
Ayon kay VIB officer-in-charge Alberto Burdeos, isa ang Recto Avenue sa lugar na talamak ang bentahan ng botcha.
ADVERTISEMENT
Puspusan rin sila sa pagsasagawa ng operasyon lalo na't mas marami ngayon ang mga karne na nabibilad sa araw dahil sa init ng panahon. Isa ito sa mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Meat Inspection Code of the Philippines at Safety Act of the Philippines.

Isasailalim sa laboratory inspection ang mga karne at ibabaon ito sa Vitas Slaughter House sa Tondo.

Muling pinaalalahanan ng VIB ang mga mamimili na maging mapanuri sa mga binibiling karne at huwag maeenganyo dahil sa mura ang presyo nito.

Read More:
botcha
double dead
mishandled meat
Veterinary Inspection Board
Manila
tagalog news
health
consumer
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT