Itigil ang TRAIN! Signature campaign laban sa TRAIN law inilunsad

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Itigil ang TRAIN! Signature campaign laban sa TRAIN law inilunsad

Isay Reyes,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2018 08:47 AM PHT

Clipboard

MANILA - Nangalap ng pirma ang ilang grupo ng mga militante ngayong Martes para isulong ang pagpapatigil ng tax reform law.

Ipinatupad nitong Enero 1 ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagtaas ng buwis sa langis at sugar-sweetened drinks, at nagpababa sa income tax.

Pinangunahan ng mga grupong Bayan at Bayan Muna sa MRT-North Avenue station ang signature campaign para ma-repeal sa Kongreso ang TRAIN law. Ito'y kasabay ng pagtaas ng presyo ng krudo sa ikalawang sunod na linggo ngayong Martes.

Ayon sa ilang pasaherong nakiisa sa kampanya, pabor silang iurong ang batas dahil ramdam nila ang pag-akyat ng presyo ng mga bilihin.

ADVERTISEMENT

"Sasabihin nabawasan tax namin pero hindi, napunta lang sa presyo, pangangailangan sa pang-araw-araw," sabi ng pasaherong si Leah Aquino.

"Nagtataasan ang bilihin pero ang sahod namin ganoon pa rin," dagdag ng isa pang commuter na si Edwin San Mateo.

Nitong nakaraang linggo, naghain ng panukalang batas ang Makabayan bloc para ma-repeal ang ilang probisyon ng TRAIN law.

Magdadaos ng black protest ang grupo sa Biyernes habang sa susunod na linggo naman nila isusumite sa Kongreso ang mga nakalap na pirma, sabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes.

Nagpatawag naman ng hearing ang House ways and means committee ngayong linggo para alamin kung may epekto talaga ang TRAIN sa mga bilihin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.