Taas na P5-P7 sa pasahe, hinihirit ng LRT-1

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taas na P5-P7 sa pasahe, hinihirit ng LRT-1

ABS-CBN News

 | 

Updated May 22, 2018 09:01 PM PHT

Clipboard

Inaabangan ng mga pasahero ang pagdating ng tren sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 noong Disyembre 4, 2017. George Calvelo, ABS CBN News

Humiling sa Department of Transportation ang kompanyang nangangasiwa sa LRT-1 ng dagdag-pasaheng naglalaro sa P5 hanggang P7 para maipagpatuloy umano ang antas ng kalidad ng serbisyo ng linya.

Kung maaprubahan, sa Agosto maipapatupad ang dagdag-pasahe.

"The reason we want it by August, first is to allow us to continue our service, the level of service," ani Light Rail Manila Corporation (LRMC) president Juan Alfonso.

Salik umano sa hinihiniling na taas-pasahe ang mga gastusin sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng linya at ang ipinapatayong 11 kilometrong extension na magdudugtong sa Baclaran at Bacoor, Cavite.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon ay nasa P30 ang maximum fare ng LRT-1 mula Roosevelt Station hanggang Baclaran Station at pabalik.

Base sa concession agreement sa pagitan ng LRMC at gobyerno, kada dalawang taon maaaring mag-apply ng pagbabago sa pasahe ang pamunuan ng LRT-1.

Huling nagtaas ng pasahe ang LRT-1 noong Enero 2015, kasabay ng MRT-3.

Setyembre 2015 naman nang mag-take over ang LRMC sa pangangasiwa ng linya at ito ang ikalawang pagkakataong humiling sila ng dagdag-pasahe.

Sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga pasahero ng linya, bihira ang mga ulat ng aberya rito mula noong Enero.

Samantala, naputol naman ng MRT-3 nitong Martes ang 28 magkakasunod na araw na hindi nagpapababa ng mga pasahero.

Nasa 1,000 ang pinababa sa Araneta-Center Cubao Station bandang alas-nuwebe ng umaga dahil sa problema sa isa sa mga pinto.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.