Bulacan barangay officials pinagpapaliwanag sa pagdagsa ng mga tao sa ilog
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bulacan barangay officials pinagpapaliwanag sa pagdagsa ng mga tao sa ilog
ABS-CBN News
Published May 25, 2021 04:28 PM PHT

Pinagpapaliwanag ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Bulacan ang mga opisyal ng Barangay Matictic kaugnay ng pagdagsa ng mga tao sa Bakas River nitong weekend.

Maraming tao ang dumayo sa ilog nitong Linggo para mag-picnic at mag-swimming, karamiha'y walang suot na face mask. Nasa 75 ang natiketan ng pulisya dahil hindi agad umuwi.

"Hinihingan po natin ng explanation 'yong barangay captain o kung sino man po ang nangangasiwa sa Barangay Matictic na nakakasakop noong ilog, na magpaliwang kung bakit nahantong o nauwi sa ganoon 'yong scenario doon sa ilog," sabi ni Jhorola Andres, legal officer ng Norzagaray municipal government.

Maaari umanong panagutin ang mga barangay official kapag hindi sila nakasagot sa show-cause order ng munisipyo.
Maaari umanong panagutin ang mga barangay official kapag hindi sila nakasagot sa show-cause order ng munisipyo.
ADVERTISEMENT
"Maaari pong may kaharapin na liabilities ang kapitan, administrative, criminal liabilities po, na nakapailalim sa ating batas po," sabi ni Andres.

Hinihintay naman ng municipal government ang rekomendasyon ng health office kaugnay sa pagsa-swab test sa mga taong naligo sa ilog, ani Andres.

Isinara muna sa publiko ang picnic grounds ng Bakas River kasunod ng insidente.

Sa ilalim ng general community quarantine "with heightened restrictions" na kasalukuyang umiiral sa Bulacan, pinapayagang mag-operate ang mga outdoor tourist attraction sa 30 porsiyento na kapasidad.

Kamakailan, isang resort sa Caloocan ang tuluyang ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa pagtanggap ng mga bisita kahit ipinagbabawal pa sa ilalim ng umiiral na quarantine protocols noon.

Kalauna'y natuklasang positibo sa COVID-19 ang 4 na nag-swimming sa Gubat sa Ciudad resort.

Sa Quezon City, pinagpapaliwanag din ang mga opisyal ng Barangay Nagkaisang Nayon matapos magkaroon ng 2 pool party doon, na dinaluhan ng isang ginang na positibo sa COVID-19.

-- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Norzagaray
Bulacan
Bakas River
swimming
turismo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT