Posibleng kuta ng Maute, ginalugad

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Posibleng kuta ng Maute, ginalugad

ABS-CBN News

Clipboard

Ginagalugad na ng mga sundalo ang bawat bahay sa Marawi City para hanapin kung saan naglulungga ang mga tinutugis na miyembro ng Maute group.

Kinakatok ng mga sundalo ang mga bahay at kapag walang sumagot mula sa loob, papasukin nila ito at iinspeksyunin.

Sa isang bahay na inabutang maraming nagtatagong lalaki, inusisa bawat isa kung bakit hindi agad nagsabing naroon sila.

Kinumpiska rin ang two-way radio na kanilang gamit.

ADVERTISEMENT

Sa pagbabahay-bahay, gusto rin ng mga sundalong matiyak na walang sibilyang ginagamit na human shield o panangga ng mga rebelde.

Lalo pang bumuhos ang puwersa ng ating hukbong sandatahan sa ikalimang araw ng bakbakan sa Marawi.

Mayroon na ring nagsasabi sa mga residente kung saan delikadong dumaan.

Mahigpit din ang inspeksyon ng mga sundalo sa mga naglalakad, lalo na sa mga may dalang pagkain. Baka raw kasi ilan sa kanila’y taga-suporta ng mga terorista na magdadala sa kanila ng rasyong pagkain.

May mga lumilikas pa ring residente. Kadalasang may hawak silang putting bandila. Utos daw ito ng military para makita agad na sibilyan sila kahit malayo pa.

ADVERTISEMENT

9 sibilyang bihag, pinatay

Siyam na sibilyan ang binihag at pinatay rin ng mga rebelde noong unang araw pa lang ng pagsalakay nila sa Marawi.

Ayon sa mga source, walang ibang kasalanan ang mga biktima kundi mapadaan lang sa kalsada nang saktong dumating doon ang Maute group.

Nakasakay raw ang siyam na lalaki sa truck nang mapadaan sa isang barikada na binabantayan pala ng Maute group.

Pinaputukan ng mga terorista ang truck at pinalabas ang mga pasahero. Iginapos ang mga biktima at pinagbabaril isa-isa.

Wala pang opisyal na tala ang mga awtoridad sa bilang ng mga sibilyang nasawi, sugatan, at apektado ng bakbakan.

-- Ulat ni Chiara Zambrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.