Posibleng pagtanggap ng dine-in customers habang lockdown pinaghahandaan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Posibleng pagtanggap ng dine-in customers habang lockdown pinaghahandaan
ABS-CBN News
Published May 27, 2020 03:40 PM PHT
|
Updated May 27, 2020 08:30 PM PHT

Naghahanda na ang mga restoran at iba pang food establishments, sakaling payagan na nang tuluyan ng gobyerno ang pagtanggap sa dine-in customers sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang isang Korean barbecue restaurant sa Quezon City, inihahanda na ang pagtanggal ng kanilang buffet-table at ipapaubaya na lang sa mga server ang paghahain ng mga pagkain - kung dating nakahilera sa isang mesa ang kanilang mga karne at side dishes.

Ayon sa operations manager na si Jenalyn Amar, ito ay para maiwasan ang hawahan.

“Para po ma-minimize natin yung cross contamination sa paggamit ng thongs. We will try our best na ma-provide ang quality service and safety sa customers,” ani Amar.

Disposable utensils ang gagamitin muna ng restoran. Gagamit din sila ng tray para doon na kolektahin ang bayad.

Agad ding idi-disinfect ang mesa pagkatapos kumain ng kustomer at sagot na nila ang protective gear ng mga server.

Sa ilalim ng kasalukuyang lockdown, limitado sa take-out at delivery ang mga kainan, bagay na umano’y nakaapekto sa kinikita ng mga food business dahil walang dine-in delivery.

May iilang mga restoran na nilimitahan ang bilang ng kanilang pinapapasok na empleyado gaya ng pagpapatupad ng rotation.

Ang ilang fast food chains, plano namang maglagay ng foot bath at hand sanitizers sa entrance.
Ang ilang fast food chains, plano namang maglagay ng foot bath at hand sanitizers sa entrance.
ADVERTISEMENT
Plano rin ng ilan na maglagay ng acrylic panel sa pagitan ng cashier at customer.

Sinabi ni Trade secretary Ramon Lopez na sumailalim na sila sa protocol testing sa mga dine-in restaurants, kaakibat ng panukalang buksan din muli ang mga salon.

Paliwanag niya, inaabot nang 70 porsiyento ng kita ng mga restoran ay nanggagaling sa mga dine-in services ng mga restoran.

"Naggawa po kami ng guidelines, base na rin sa mga suggestion sa affected sectors. Nagpa-demo kami noong Linggo, para mapag-aralan kung doable at kung safe ito. Para makabalik ang trabaho at workers," ani Lopez.

Agam-agam naman ng ilang kustomer at may-ari na magkaroon ng hawahan.
Agam-agam naman ng ilang kustomer at may-ari na magkaroon ng hawahan.
ADVERTISEMENT
Kaya naman, pipiliin ng ilang establisimyento na panatilihing limitado sa take out at delivery ang kanilang operasyon.

Gayunman, umaasa ang DTI na maaksyunan ng gobyerno ang mga panukala para sa pagtanggap ng dine-in customers nang hindi lalagpas sa Hunyo 15. — Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
restoran
dine-in
lockdown
restaurants
new normal
restaurant dine-in
government
COVID-19 pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT