DepEd handa na sa remote enrollment simula Hunyo 1
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DepEd handa na sa remote enrollment simula Hunyo 1
ABS-CBN News
Published May 31, 2020 03:49 PM PHT

Inihayag ngayong Linggo ng Department of Education (DepEd) na handa na ang mga pampublikong paaralan na magpatupad ng remote enrollment para sa isang buwang enrollment period sa Hunyo.

Nauna nang ipinag-utos ng DepEd sa mga paaralan na gawin ang lahat para makapagpatupad ng remote enrollment, kung saan hindi na kakailanganin pumunta ng mga estudyante o magulang sa mismong paaralan para mag-enroll. Sa ganoong paraan ay maiiwasan nila ang banta ng coronavirus disease.

Bago umarangkada ang enrollment sa Hunyo 1, nagsagawa na rin umano ang DepEd ng orientation para maipaunawa sa mga magulang, guro, at opisyal ng paaralan ang mga alituntunin ng enrollment period.

Papayagan lamang ang physical enrollment matapos ang unang 2 linggo ng enrollment period, pero kailangang makipag-ugnayan ng paaralan sa local government unit at dapat sumunod sa mga health and safety protocol.

“Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay kokontakin ng kanilang adviser mula sa nagdaang taon para sa remote enrollment,” paliwanag ng DepEd sa isang pahayag.

“Maaari ring ang magulang o taga-pangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures,” sabi ng ahensiya.

Ang mga paaralan naman ay magtatalaga ng enrollment focal person para sa mga mag-e-enroll sa kindergarten, transferee, Balik-Aral, at nasa alternative learning system, ayon sa DepEd.

Kasabay ng unang araw ng remote enrollment, ilulunsad din ng DepEd ang 2020 Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela.

Bahagyang binago ng kagawaran ang 2 aktibidad dahil sa pandemya.
Bahagyang binago ng kagawaran ang 2 aktibidad dahil sa pandemya.
ADVERTISEMENT
“Nakatuon ang Brigada ngayong taon sa paghihikayat ng mga partners para matiyak na may angkop na kagamitan para sa ligtas at matiwasay na pagsasagawa ng iba’t-ibang uri ng distance learning,” anang DepEd.

Sa ilalim naman ng Oplan Balik Eskwela, maglalagay ang DepEd ng mga public assistance command centers sa buong bansa para tumugon sa mga tanong ukol sa enrollment at pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Nakatakdang magpatupad ang mga paaralan ng iba’t ibang alternatibo sa paghahatid ng mga lesson – tulad ng distance learning – matapos ipagbawal ang mga physical classes dahil sa COVID-19.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Education
remote enrollment
edukasyon
enrollment
Oplan Balik Eskwela
Brigada Eskwela
coronavirus education
coronavirus pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT