Gagamit ng bisikleta sa pag-commute? Cycling enthusiast may tips

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gagamit ng bisikleta sa pag-commute? Cycling enthusiast may tips

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 07, 2020 02:50 PM PHT

Clipboard

Nagbibisikleta sa EDSA ang ilang health workers habang nananatiling suspendido ang public transportation sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine noong Abril 8, 2020. Jire Carreon, ABS-CBN News

MAYNILA – Maraming tao ang gumagamit ng bisikleta sa kanilang pag-commute matapos ipagbawal ang pampublikong transportasyon mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila.

Kahit lumuwag na ang mga quarantine measures sa malaking bahagi ng bansa, marami pa rin ang pinipiling magbisikleta, dahilan para maglunsad ang ilang lokal na pamahalaan ng mga bike lane.

Sa programang “Red Alert” ng Teleradyo ngayong Linggo, nagbahagi ang cycling enthusiast na si Gregorio Larrazabal ng mga bagay na dapat isaalang-alang kapag bibili ng bisikleta o gagamitin ang naturang sasakyan sa pag-commute.

Ayon kay Larrazabal, na dating Comelec commissioner, mahalagang kapag bibili ng bisikleta ay pumili ng may sukat na angkop sa tangkad ng gagamit.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kapag sobrang laki kasi ng bisikletang ginagamit ay maaaring hindi makapadyak nang maayos ang siklista.

“Susukatin mo 'yong size ng bike kung tama sa'yo kasi, even if you buy an expensive bike, pero kung hindi sukat sa'yo, hindi ka talaga kumportable,” ani Larrazabal.

Dapat din daw ay swak sa pangangailangan o gamit ang bisikletang bibilhin.

“For example, for commuting, you don’t need an expensive bike,” ani Larrazabal.

“Ang importante 'yong bike na medyo makapal 'yong tires, may front suspension,” aniya.

ADVERTISEMENT

Kung para sa pag-commute, mahalaga rin umanong kumuha ng bisikleta kung saan ang magiging posisyon ng siklista ay upright o tuwid para makita ang trapiko sa harapan.

Ipinayo ni Larrazabal ang pagbili ng helmet na may mga butas-butas.

Bukod sa pagbibigay ng proteksiyon sa ulo, ang mga butas sa helmet ay paraan din umano para hindi pagpawisan ang ulo ng siklista.

“You get a helmet na may butas to let the cold air in and pull the hot air out, para pag-bike mo, 'di ka masyadong pawis,” paliwanag niya.

Iginiit din ni Larrazabal ang halaga ng paggamit ng gloves, na nagsisilbing proteksiyon sa kamay sakaling madisgrasya ang siklista.

ADVERTISEMENT

Ibinida rin ni Larrazabal ang gloves na umiilaw, na maaaring magsilbing signal sa ibang motorista kapag kakaliwa o kakanan ang siklista.

Layunin ng quarantine measures na ipinatupad simula noong Marso na makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.