Tag-ulan, nagsimula na; bagyong 'Domeng' lalong lumakas
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tag-ulan, nagsimula na; bagyong 'Domeng' lalong lumakas
ABS-CBN News
Published Jun 08, 2018 03:34 PM PHT
|
Updated Jun 08, 2018 04:03 PM PHT

Opisyal nang inanunsiyo nitong Biyernes ng state weather bureau na PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

"Nagsimula na po ang panahon ng tag-ulan dito sa ating bansa. Na-satisfy na po 'yong criteria ng rainfall sa mga Type 1 climate station kung kaya't opisyal nang dineklara [ito]," ani PAGASA senior weather specialist Chris Perez.

Bagaman nagsimula na ang tag-ulan ay maaaring makaranas pa rin ng mainit na panahon ang ilang bahagi ng bansa na posibleng magtagal nang dalawang linggo.

"However, such rain events may be followed by dry periods (also known as a monsoon break) that could last for several days to two weeks," saad sa abiso ng PAGASA.

'Domeng' lalong lumakas
Nagpaalala naman ang PAGASA sa matinding pag-uulan bunsod ng paglakas ng bagyong "Domeng."

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugso na pumapalo sa 80 kph.

Walang namang itinaas na storm signal warning sa anumang bahagi ng bansa.

Base sa pinakahuling anunsiyo ng PAGASA, hindi tatama sa lupa ang bagyo ngunit patuloy nitong palalakasin ang habagat.

Makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang mga lugar ng MIMAROPA, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, at Western Luzon kabilang ang Metro Manila hanggang Linggo.

Huling namataan ang bagyo sa 655 kilometro sa silangan ng Tuguegarao, Cagayan.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo.

Pinag-iingat din ng PAGASA ang mga residente sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinapayuhan din ng ahensiya ang mga mangingisda sa mga baybayin ng mga nabanggit na lugar na huwag munang pumalaot.

Bumisita sa ABS-CBN Weather Center para sa pinakahuling balita sa panahon.