ALAMIN: Paano makasali sa internship program ng gobyerno? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano makasali sa internship program ng gobyerno?

ABS-CBN News
Published Jun 09, 2019 07:48 PM PHT

MAYNILA — Pangarap nina Analyn Malco at Alice Tabong na maging social worker, at upang mahasa pa ang kaalaman sa kanilang kurso, sumabak sila sa internship program ng Department of Social Welfare and Development.

"Lahat po ng pinag-aralan namin is na-apply ko po siya," ani Malco patungkol sa programa.

Alok sa Government Internship Program (GIP) ang 3 hanggang 6 na buwan na internship sa mga ahensiya ng gobyerno. Pasok sa programa ang mga nasa edad 18 hanggang 35 years old.

Habang natututo sa public service, kumikita rin ang mga nasa programa.
Habang natututo sa public service, kumikita rin ang mga nasa programa.
ADVERTISEMENT
Itinaas na rin ngayon ang allowance na matatanggap ng mga government intern. Mula sa dating 75 porsiyento, buo na nilang matatanggap ang sahod na kasing taas ng kasalukuyang minimum wage.

Prayoridad din ng GIP ang mga kabataang hindi pa nakapagtrabaho o may hindi hihigit sa 1 taon ang work experience.

Ani Bureau of Local Employment director Dominique Tutay, may tsansang i-absorb ng opisina ang isang intern.

"It is also one way of looking at a pool of potential public servants... Nakikitaan ka na ng potential ng employer, so kapag nagkaroon ng vacancy puwede ka na niyang i-absorb," ani Tutay.

Sa darating na independence day job fair ng DOLE, magtatalaga ang ahensiya ng desks kung saan maaaring mag-apply ang mga interesado sa programa ng GIP.

Maaari ring magtungo sa DOLE regional office o pinakamalapit na Public Service Employment Office ang mga nais mag-aplay sa GIP.

--Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT