Ilang paghihigpit vs COVID-19 ipapatupad sa Aklan sa gitna ng MGCQ
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang paghihigpit vs COVID-19 ipapatupad sa Aklan sa gitna ng MGCQ
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2021 12:58 PM PHT
|
Updated Jun 09, 2021 01:23 PM PHT

Magpapataw ng mas mahigpit na restrictions kontra coronavirus disease (COVID-19) sa buong lalawigan ng Aklan, sa harap ng pagdami ng kaso ng COVID-19, batay sa executive order na inilabas ng governor na si Florencio Miraflores.

Kasalukuyang nasa modified general community quarantine ang Aklan - ang pinakamaluwag sa apat na quarantine levels na ipinatutupad ng gobyerno para sa COVID-19 response.

Sa Executive Order No. 005-C series of 2021 na pinirmahan Martes, ipinagbabawal na lumabas ng bahay ang may edad 15 anyos pababa at 61 pataas.

Bawal ding lumabas ang mga may karamdaman kasama na ang buntis, maliban na lamang sa mga lalabas para sa essential goods and services at health and medical reasons.

Lahat na pribadong tanggapan o opisina ay pinapayagang mag-operate sa 50 porsiyento hanggang 100 porsiyento on site capacity habang hinihikayat ang work from home at iba pang flexible work arrangements.

Bawal din magbukas ang mga sumusunod:
Bawal din magbukas ang mga sumusunod:
- Bar, clubs, theaters, karaoke bars at concert hall
- Perya, kid amusement, playgrounds, playrooms at kiddie rides
- Sabong pati ang E-Sabong

Mananatili namang bukas ang mga hotel at mga establisimyentong may accreditation mula Department of Tourism.

Ang pedal bikers o 'yong mga nagbibisikleta ay kailangang limitahan lamang o puwedeng mag-bisikleta sa kung saan lamang silang bayan nakatira maliban kung ginagamit itong service papasok o pag-uwi galing sa trabaho.

Kailangan ding kumuha ng essential worker/traveler ng travel pass sa mga lokal na pamahalaan kung walang proof of employment.

May ipatutupad na Inter-Municipal border control at inter-barangay border control.

Magpapatupad din ng curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, liquor ban, at pagbabawal sa mass gathering.

Sa pinakabagong datos na inilabas ng Aklan Provincial Health Office, ay nakapagtala ng 34 na bagong kaso ang lalawigan at mayroong 462 na aktibong kaso ng COVID-19.

— Ulat ni Rolen Escaniel
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Aklan
MGCQ
modified general community quarantine
Aklan quarantine
regional news
regional stories
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT