Flashflood naranasan sa ilang parte ng Pampanga
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Flashflood naranasan sa ilang parte ng Pampanga
ABS-CBN News
Published Jun 10, 2022 10:17 AM PHT

Nakaranas ng flashflood ang ilang parte ng Pampanga matapos bumuhos ang napakalakas na ulan sa malaking bahagi ng probinsiya, Huwebes ng gabi.

Kasabay nito ang malakas na hampas ng hangin na may kasamang mga pagkulog at pagkidlat. Ang ilang establisiyimento sa lungsod ng San Fernando, pansamantala pang nawalan ng suplay ng kuryente.

Ang mga major roads tulad ng Jose Abad Santos Avenue at Mac Arthur Highway sa Brgy. San Agustin at Dolores ay nakaranas din ng gutter-deep na flashflood.

Ang ilang motorista at commuters naman ay na-stranded sa ilang gasolinahan. Ayon sa PAGASA-Clark, nakaranas ang lalawigan ng isolated cases ng rainshowers na may kasamang thunderstorms.

“Asahan na natin 'yan lagi kahit na wala tayong bagyo. Asahan na natin 'yung mga thunderstorm na yan especially during the afternoon or
evening,” ani Manuel Esguerra Jr., chief meteorologist ng PAGASA-Clark.

Kaagad ding humupa ang baha matapos ang isang oras na pagtila ng ulan.—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT