4 arestado sa mga operasyon kontra droga sa QC
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 arestado sa mga operasyon kontra droga sa QC
ABS-CBN News
Published Jun 16, 2019 08:02 AM PHT

MANILA - Apat ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Quezon City.

Arestado ang isang babaeng umano'y pusher at isang lalaking tricycle driver na pinagkukunan umano nito ng shabu sa isang buy-bust operation sa Cubao.

Target ng buy-bust operation ng QCPD si alyas Joy, na kilala umanong nagebebenta ng droga sa Aurora Boulevard sa Barangay Kaunlaran, Cubao. Itinuro naman ni Joy si alyas Reynaldo, na kakalaya lamang noong Pebrero sa kasong droga.

Parokyano umano ng dalawa ang mga namamasada sa lugar maging ang ilang mga bus driver sa mga kalapit na terminal.
Parokyano umano ng dalawa ang mga namamasada sa lugar maging ang ilang mga bus driver sa mga kalapit na terminal.
ADVERTISEMENT
Timbog rin sa buy-bust sa Barangay Tandang Sora ang 2 lalaking magpinsan.

Hindi na nakapalag si alyas Mario nang hulihin ito ng mga pulis matapos siyang mabilhan ng P200 halaga ng shabu.

Damay sa operasyon ang pinsan nito na si alyas Anthony matapos makuha sa loob ng bahay nito ang tatlo pang sachet ng hinihinalang shabu.

Itinanggi ni alyas Mario na may naganap na bentahan ng droga. Sinugod na lang umano sila ng mga pulis at agad siyang hinuli.

Nakulong na dati si alyas Mario dahil pa rin sa ilegal na droga pero nakalaya matapos ma-acquit sa kaso.

- Ulat nina Lady Vicencio at Fred Cipres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT