Ilegal na droga, nananatiling problema sa mga paaralan: PDEA
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilegal na droga, nananatiling problema sa mga paaralan: PDEA
ABS-CBN News
Published Jun 20, 2018 11:20 PM PHT

Higit isang dekada nang itinakwil ni Rod Tongol ang ilegal na droga pero hindi pa rin niya makalilimutan ang masaklap na panahong nalulong siya rito.

Kuwento ni Tongol, sa edad na 12 anyos, nasubukan na niya ang rugby, marijuana, at shabu.

Sa kalsada niya unang natikman ang droga pero dinala niya ang bisyo hanggang sa paaralan.

"Sa school ako sumisindi, sa likod lang ng bakod, sa ilalim ng puno," ani Tongol.
"Sa school ako sumisindi, sa likod lang ng bakod, sa ilalim ng puno," ani Tongol.
ADVERTISEMENT
May mga pagkakataon din umanong nabebentahan niya o kasama niyang gumamit ng droga ang mga kapuwa mag-aaral.

"May mga pumupunta sa 'king high school sa labas ng gate tapos minsan may mga grade 5, grade 6, pumupunta sa 'kin, makikipagkita sa CR, mag-aabutan kami ng pera, marijuana," aniya.

'MAKAKAPASOK AT MAKAKAPASOK'
Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hanggang ngayon ay ginagamit at ibinebenta ang droga sa loob at paligid ng ilang paaralan.

"If you want to hide marijuana or shabu inside your bag or in textbook, hindi naman bubulatlatin ng guwardiya 'yan page by page eh. Makakapasok at makakapasok," sabi ni Aquino.

Ayon pa kay Aquino, maging ang mga maykayang estudyante sa mga pribadong paaralan ay naaakit ng mga tulak sa party drugs.

"Bibigyan niya muna, it's free and eventually after medyo ma-hook 'yong tao, bebentahan na siya so they will be invited sa mga rave party," paliwanag ni Aquino.

Lumabas naman sa 2015 Global School-Based Student Health Survey na maaga nang nagsisimula sa droga ang mga kabataan.

Nasa 10.1 porsiyento ng mga estudyanteng 13 hanggang 15 taong gulang ang sumubok na ng ilegal na droga ng isang beses o higit pa.

Sa mga nakagamit na ng droga, 78 porsiyento ang sumubok sa edad 13 anyos pababa.

Pinangunahan ang pag-aaral, na inilabas nito lang Enero 2018, ng World Health Organization katuwang ang United Nations Children's Fund (UNICEF), United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), at Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS).

PAPEL NG MGA PAARALAN
Ang mga gaya ni Tongol ay patunay na ang mga batang naligaw ng landas ay maaari pang matulungan.

Isa na siyang ama ngayon at inaako niya ang responsibilidad na ituro sa anak ang tama at mali.

Pero ayon kay Tongol, malaki rin ang maitutulong ng mga paaralan upang makaiwas ang mga kabataan sa droga.

"Ang teacher ay pangalawang magulang ng mga estudyante," ani Tongol.

"Ituro talaga 'yong halaga ng buhay, magpanood ng mga video kung ano iyong nangyayari kapag nagda-drugs ka," aniya.
"Ituro talaga 'yong halaga ng buhay, magpanood ng mga video kung ano iyong nangyayari kapag nagda-drugs ka," aniya.
ADVERTISEMENT
Nangako naman ang Department of Education na paiigtingin ang anti-drug education sa bansa kasabay ng pagsasagawa ng random drug testing sa mga paaralan.

-- Ulat ni Gigi Grande, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT