Sekyu na nanggulo sa Eton Centris, sumuko na
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sekyu na nanggulo sa Eton Centris, sumuko na
ABS-CBN News
Published Jun 21, 2017 08:39 AM PHT
|
Updated Jun 21, 2017 11:00 PM PHT

MANILA - Sumuko na ang isang lasing na security guard na nanutok ng baril at nagkulong sa security office sa Cyberpod 1 building ng Eton Centris commercial complex sa Quezon City, Miyerkoles.

Sa paunang impormasyon, naglasing ang suspek na si Hermigildo Marsula Jr. mula Bulacan dahil kailangan ng operasyon ang anak nito at hindi niya alam kung saan kukuha ng pera.

Nang malasing, tinutukan umano ni Marsula ang nasa 4 na indibidwal na naglalaro ng isang mobile gaming app sa lugar.

Hinabol ng iba pang security guard si Marsula pero tumakbo at nagkulong ito sa security office sa Cyberpod 1 building ng Centris, na opisina ng isang BPO (business process outsourcing) company.

Dito na nagreport sa pulisya ang mga kasamahan ng suspek. Pero pagdating ng mga pulis, tinutukan umano sila ni Marsula bagama't hindi ito nagpaputok.

Pasado alas-6 ng umaga, dumating sa Centris ang misis ni Marsula at si Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District (QCPD), para kausapin ang guwardiya.

Nilinaw naman ni Chief Superintendent Oscar Albayalde, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na walang hawak na hostage ang suspek.

"Contained po siya sa isang room lang and of course, mayroon po tayong directive na kapag lumabas siya, kailangang arestuhin na," ani Albayalde sa panayam ng "Umagang Kay Ganda" sa ABS-CBN.

Lumabas naman si Marsula at sumuko, pasado alas-8 ng umaga.
Lumabas naman si Marsula at sumuko, pasado alas-8 ng umaga.
ADVERTISEMENT
Guwardiya na nagwala at nagkulong sa isang opisina sa Eton Centris, sumuko na sa mga pulis pic.twitter.com/y2Ot7pAuTN | via @RPfredcipres
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) June 21, 2017

Tinanggal na ang lockdown sa Etron Centris matapos ang insidente.

Tinitiyak naman ng mga tauhan ng QCPD Special Weapons and Tactics ang seguridad sa paligid.

Sa pahayag na inilabas Miyerkoles ng hapon, pinasalamatan ng pamunuan ng Eton Centris ang pulisya at ang BPO company para sa umano'y mapayapang pagkaka-resolba sa pangyayari.
"Credit and thank you go out to the Philippine National Police QC, Eton Centris Operations Team, and WiPro management for their exemplary handling of the situation," ani Marjorie Abot, AVP for Operations ng Eton Centris.

Dagdag ni Abot, bukas na at balik na sa normal na operasyon ang Eton Centris.