Pader ng ospital, ilang bahay nasira dahil sa flashflood sa Caloocan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pader ng ospital, ilang bahay nasira dahil sa flashflood sa Caloocan
ABS-CBN News
Published Jun 25, 2019 03:50 PM PHT
|
Updated Jun 25, 2019 04:07 PM PHT

Magkakatabing bahay sa Barangay 188 sa North Caloocan, pinasok ng flash flood. Nag-collapse din ang pader ng ospital at tumumba sa mga bahay. Ilan sa mga residente, sugatan. | via @zhandercayabyab pic.twitter.com/7Apu90K5NN
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) June 25, 2019

MANILA -- Nasira ang ilang bahay at ang pader ng isang ospital matapos pasukin ng rumaragasang tubig, bato, at putik sa kasagsagan ng pag-ulan sa north Caloocan, Lunes ng gabi.

Kuwento ng residente ng Barangay 188 na si Raul Ruloma, bigla na lang nawalan ng kuryente at nakarinig sila ng malakas na kalabog.
Dito na aniya nagtakbuhan ang mga residente dahil sa baha at bato na pumasok sa kanilang mga bahay.

Nabagsakan naman ng gumuhong pader ng Tala Hospital ang bahay ni Ruloma.

Nasugatan siya, gayundin ang kaniyang anak at ina.
Nasugatan siya, gayundin ang kaniyang anak at ina.
ADVERTISEMENT
Ani Ruloma, wala pang natatanggap na tulong ang mga residente.

Nakisilong muna sa mga kaanak ang ilan sa kanila habang nananatili sa labas lang ng kani-kanilang bahay ang iba pa.

Magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Mimaropa, Bicol at Visayas ngayong Martes, ayon sa state weather bureau PAG-ASA.
Hindi naman anila makakaapekto sa alin mang bahagi ng bansa ang isang bagyo sa silangan ng lalawigan ng Cagayan.
Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News