PWD ID application sa QC tigil muna dahil sa 'pang-aabuso' ng ilang cardholder | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PWD ID application sa QC tigil muna dahil sa 'pang-aabuso' ng ilang cardholder

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2020 04:11 PM PHT

MAYNILA - Suspendido muna ang pag-isyu at pag-apply para sa persons with disability (PWD) cards sa Quezon City kasabay ng ilang ulat ng pang-aabuso ng mga nakakuha nito sa discount na ipinagkakaloob sa kanila ng batas, ayon sa kanilang Persons With Disability Affairs Office.

Kasunod ito ng ulat na may anim na miyembro umano ng isang pamilya na gumamit ng sinasabing cards, at lumabas sa kanilang imbestigasyon na nakakuha sila ng nasabing card nang hindi nagbibigay ng mga kaukulang requirement.

Ayon kay Renato Cada, OIC ng Quezon City PWD affairs office, ito ay para maayos muna ang kanilang sistema.

napatunayan ng kanilang tanggapan na sa kanila nanggaling ang mga card pero hindi umano nagbigay ng requirements ang pamilya.

“Meron talaga na ebidensya na galing dito at totoo Naman Yung id qc address although sa pag-imbestiga ng city, hindi talaga sila taga Quezon City,” ani Cada.
Para makakuha ng PWD card, kinakailangan isumite sa city PWD affairs office ang ID picture, application form, barangay clearance, at ang medical certificate o abstract na magpapatunay na PWD ang aplikante, alinsunod sa batas.

Nabibigyan ng discount sa mga basic necessity items gaya ng pagkain at grocery at leisure activities gaya ng sine ang mga PWD card holder.

Lumabas din sa imbestigasyon ng PDAO na dating empleyado nila ang nakapirma sa card, mula pa sa dating administrasyon.

Pinagpapaliwanag na ni City Attorney Nino Casimiro ng QC Legal Department ang sinasabing tauhan.

“The person behind the issuance of the ID card will be given 72 hours to explain why he shouldn't be held administratively and criminally liable,” ani Casimiro.

Samantala, dahil sa sulputang mga kaso ng pag-abuso sa paggamit ng PWD cards, inihain na ni Sen. Sonny Angara ang Senate Resolution 455 na layong pag-aralan ulit ang mga patakaran at rekisito sa pagkuha ng PWD cards.

Sinabi na rin ni Trade secretary Ramon Lopez na nakatatanggap na sila ng mga reklamo hinggil sa umano’y pag-abuso sa paggamit ng PWD cards. — Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
PWD card Philippines
PWD ID application QC suspended
PWD ID application Quezon City
PWD card abuse
PWD card abuse Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT