Duterte lumagda ng 16 panukalang batas, karamihan tungkol sa hospital capacity-building

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte lumagda ng 16 panukalang batas, karamihan tungkol sa hospital capacity-building

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte sa 16 panukalang batas sa isang ceremonial signing sa Malacañang Huwebes ng gabi.

Nasa 13 dito ay may kinalaman sa pagpapataas ng kapasidad ng ilang ospital, kabilang ang Naguilian District Hospital at Rosario District Hospital sa La Union, Sinait District Hospital sa Ilocos Sur, Bacolod City General Hospital, East Avenue Medical Center sa Quezon City, Mayor Hilarion Ramiro Medical Center sa Misamis Occidental, Eastern Visayas Medical Center sa Quezon City, at maging sa lying-in clinic sa Rizal, Palawan.

Kabilang din sa mga nilagdaan ng Pangulo ang pag-convert ng The Schistosomiasis Control and Research Hospital sa Palo, Leyte para maging Governor Benjamin T. Romualdez General Hospital and Schistosomiasis Center; at ang Basilan State College na maging Basilan State University.

Sa bisa rin ng mga bagong batas, magtatatag ng Davao Occidental General Hospital, Senate President Neptali A. Gonzales General Hospital sa Mandaluyong, at Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT

Nilagdaan din ni Duterte ang renewal ng prangkisa ng Baycomms Broadcasting Corp sa loob ng 25 taon, gayundin ang reapportioning ng Bataan Province sa 3 legislative districts.

Sabi ng Pangulo, marami sa kanyang pinirmahang batas ay mahalaga sa panahon ngayon ng pandemya.

“Indeed, the establishment of new public [hospitals] would make quality medical services more accessible to our people, especially those from far-flung areas. Increasing the bed capacity of existing public hospitals would likewise greatly augment our inventory of [much]-needed hospital beds that we badly need as we deal with a pandemic," aniya.

Inatasan naman ni Duterte ang lahat ng ahensya ng gpbyernong magkaisa para maipatupad ang mga bagong batas na ito, and gamitin ang whole-of-nation approach sa pagtugon sa hamon ng pandemya.

Nagbilin din siya sa Kongreso ng mga panukalang batas na sana ay maipasa rin sa lalong madaling panahon.

Tiniyak naman ng Pangulo na patuloy na gagawa ng mga gobyerno ng “people-centered policies” para sa ikauunlad ng bansa.

—Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.