Paglaganap ng ‘fake news’ posibleng lumala habang Halalan 2022 papalapit — eksperto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglaganap ng ‘fake news’ posibleng lumala habang Halalan 2022 papalapit — eksperto

Paglaganap ng ‘fake news’ posibleng lumala habang Halalan 2022 papalapit — eksperto

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbabala ang isang eksperto na habang papalapit ang Halalan 2022 mas titindi umano ang mga pag-aatake sa malayang pamamahayag sa Pilipinas.

Sa isang online forum ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates, sinabi ni Gilbert Andres ng Center for International Law na posibleng lumala ang problema ng paglaganap ng fake news para mai-set ang agenda sa mga botante.

Inaasahan aniya na mas lalaganap din ang mga “troll army” na siyang makinarya umano para atakehin ang mga kritiko sa gobyerno.

"If you look at the history of our press, especially last 2016, there was a rise in the false information and that might be the case also in 2022,” ani Andres.

ADVERTISEMENT

May mga legal na paraan umano para atakihin ang media.

“We have seen how the administration deals with critical organizations, such as the ABS-CBN, as well as Rappler, so expect that the administration might resort not only to cyber libel but, well, as provisions, on different crimes under the Anti-Terrorism Act," paniwala ni Andres.

"So you can see that there are legal mechanisms, a lawfare that might be used on critical reportage.”

Matatandaang sa ilalim ng kasalukuyang administration, tumanggi ang Kongresong bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN dahil umano sa mga paglabag ng network, isang bagay na pinabulaanan na rin ng management ng ABS-CBN.

Paulit ulit naman itinanggi ng Malacañang na atake sa malayang pamamahayag ang mga pangyayari laban sa ABS-CBN at Rappler, at sinabing hindi umano inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng pang-aatake sa media.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.