'Akyat-bahay' umaming nagnakaw ng laptop para makapaglaro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Akyat-bahay' umaming nagnakaw ng laptop para makapaglaro
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2018 08:50 AM PHT

Akyat-bahay, nahuli ng guwardiya sa QC. Suspek, aminadong nagnakaw ng laptop para makapaglaro. | via @jekkipascual pic.twitter.com/CQK24D2bPP
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2018

MANILA - Inamin ng isang 18-anyos na lalaki na pinasok niya ang isang bahay sa Bagong Silangan, Quezon City nitong Martes ng gabi para magnakaw ng laptop at makapaglaro.

Kuwento ng guwardya na si Jovie Gonzaga, nakatanggap siya ng tawag na nanakawan ang bahay. Natiyempuhan aniya roon ang kawatan na kahina-hinala ang galaw.

Nang pabuksan ng guwardya ang bag ng lalaki, nakita roon ang laptop at cellphone na nawawala mula sa bahay ng biktima.

Ipinagtapat ng suspek na umakyat siya sa bakod ng bahay at pumasok sa bintana sa ikalawang palapag.
Ipinagtapat ng suspek na umakyat siya sa bakod ng bahay at pumasok sa bintana sa ikalawang palapag.
ADVERTISEMENT
Nang tanungin kung bakit siya nagnakaw ng laptop, ang tanging sagot niya ay para makapaglaro.

Pansamantalang nakapiit ang suspek sa Batasan police station.

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT