Ginang ginahasa, pinatay sa loob ng bahay sa Rizal
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang ginahasa, pinatay sa loob ng bahay sa Rizal
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2019 04:51 AM PHT
|
Updated Jul 04, 2019 07:21 PM PHT

RIZAL—Ginahasa bago pinatay ang isang ginang sa loob ng kaniyang bahay sa Cardona, Rizal.

Sumuko sa mga awtoridad nitong Miyerkoles ang suspek na pamangkin ng asawa ng biktima.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang duguan sa kaniyang kuwarto ang 29 anyos na biktima madaling-araw ng Hunyo 30.

Tadtad ng saksak at wala ng saplot ang biktima nang makita ng kaniyang 2 anak na may edad 8 at 5.
Tadtad ng saksak at wala ng saplot ang biktima nang makita ng kaniyang 2 anak na may edad 8 at 5.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Capt. Jhuner Mojares, hepe ng Cardona police, ginising pa ng 23 anyos na suspek ang mga bata para humingi ng tulong sa kanilang lolo bago ito tumakas.

"Sinabihan 'yung mga bata na magpunta daw sa lolo at tumawag nang magdadala sa ospital," aniya.

Pagnanakaw umano ang pakay ng suspek at pumasok ito mula sa bintana ng sala.

Naiwan sa crime scene ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak.

Napag-alaman na nakipag-inuman ang suspek malapit sa bahay ng biktima bago nangyari ang krimen.
Napag-alaman na nakipag-inuman ang suspek malapit sa bahay ng biktima bago nangyari ang krimen.
ADVERTISEMENT
Ipinatawag ang 12 katao na kasama sa inuman para makuhanan ng fingerprint pero hindi sumipot ang suspek hanggang sa sumuko na ito nitong Miyerkoles.

"Ang intensiyon daw po talaga niya ay magnakaw. Pero nung umakyat siya at nakita 'yung biktima, hindi raw niya nakontrol ang kaniyang sarili," ani Mojares.

Nakulong na rin ang suspek noong 2015 dahil sa kasong droga. Sasampahan siya ng kasong rape at murder.

Umuwi naman sa Pilipinas ang asawa ng biktima na nagtatrabaho pa lang ng ilang araw sa Canada bilang overseas Filipino worker (OFW).

Nangibang-bansa siya para bigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya nang matanggap ang masamang balita.
Nangibang-bansa siya para bigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya nang matanggap ang masamang balita.
ADVERTISEMENT
"Hindi kayang sabihin sa akin ng kuya ko. May tinawag siyang pastor tapos siya nagsabi sa akin," aniya.

"Binasahan muna ako ng verse sa Bible about sa mga pagsubok... t'saka niya isiningit... your wife has been slain."—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News