Obrero, pinatay at inilibing sa construction site | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Obrero, pinatay at inilibing sa construction site
Rizza Mostar,
ABS-CBN News
Published Jul 06, 2016 04:07 PM PHT

NAGA CITY – Nahukay sa loob ng pinagtatrabahuhang construction site ang bangkay ng isang trabahador na pinagtulungan umanong patayin ng kapwa manggagawa sa Naga City.

Idinetalye ng construction worker na si Rustom Postigo kung paano pinatay si Reynaldo Mendoza. Pinangalanan nito si Christian Abio bilang unang sumaksak sa biktima.

Nahukay ng awtoridad ang naaagnas na bangkay ni Mendoza sa construction site sa P. Diaz Street, Barangay Sta. Cruz.

Nahuli naman ng pulisya ang pangunahing mga suspek sa pagpatay na sina Abio at Celso Azur.
Nahuli naman ng pulisya ang pangunahing mga suspek sa pagpatay na sina Abio at Celso Azur.
ADVERTISEMENT
Inamin sa pulisya ni Azur ang krimen pero tumangging magpa-interview ang dalawa sa news team.

"Umamin siya na inunahan lang daw niya ang biktima dahil pinaghinalaan daw niya itong nagnakaw ng grinder, cellphone," sabi ni Senior Inspector Joey Corpe.

Nangyari ang insidente gabi noong Sabado habang nakainom ang mga suspek.

Pinagsasaksak ng mga suspek si Mendoza gamit ang kutsilyo at ice pick habang ito ay natutulog. Aminado din si Postigo na siya rin ang nag-abot ng kutsilyo kay Azur dahil sa takot.

"Sumigaw po yun, tinatawag ako tapos inutusan ako ni foreman na kumuha ng kutsilyo. Kinuha ko tapos sinasak niya sa mata," ayon kay Postigo.

Sinampahan na ng kasong murder sina Abio at Azur. Hindi naman ligtas sa pananagutan si Postigo na nagsilbi bilang kasabwat sa krimen.

Pitong iba pa ang iniimbestigahan ng pulisya, kabilang ang live-in partner ni Azur na umano'y nasa lugar nang mangyari ang krimen.

Ang biktima ay taga-Marigorong Tigaon, Camarines Sur at may siyam na mga anak. Huli itong nakausap ng kanyang asawa noong Huwebes kung saan nagbigay pa umano ito ng pera sa kanya.