Patalim na bitbit ng mag-aaral, nagdulot ng takot sa mga kaklase | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patalim na bitbit ng mag-aaral, nagdulot ng takot sa mga kaklase

Vina Araneta,
ABS-CBN News
Published Jul 11, 2019 01:53 PM PHT
|
Updated Jul 11, 2019 04:51 PM PHT

DAVAO CITY – Nagdulot ng pangamba sa kapwa mag-aaral ang isang lalaking estudyante matapos na magdala ng patalim sa eskuwelahan, Huwebes ng umaga.

Sa takot, nagkaroon umano ng komosyon kung saan umabot sa 25 mag-aaral ng Soledad Duterte National High School ang nahirapang huminga.

Agad rumesponde ang mga kawani ng 911 para bigyang paunang lunas ang mga estudyante.

Napag-alaman na nagsimula ang gulo nang ipakita ng 16-anyos na lalaki ang dala niyang patalim sa 13-anyos na babaeng kaklaseng nakaalitan niya noong Miyerkoles. Binantaan rin umano ng lalaki na sasaksakin ang kaklase.

Ayon sa babaeng kaklase, hindi sinasadyang matamaan ng notebook ang binatilyo. Bagama’t nagkaayos din ang dalawang Grade 7 students kahapon, tila masama pa rin ang loob ng lalaki kaya’t nagdala ito ng patalim kinabukasan na nagdulot ng takot at pangamba sa iba nilang kaklase.

Nasa kustodiya na ngayon ng City Social Services and Development Office ang estudyanteng lalaki para isailalim sa counseling at evaluation.