4 pulis-Muntinlupa timbog, kulong sa sariling istasyon dahil sa 'pangingikil'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 pulis-Muntinlupa timbog, kulong sa sariling istasyon dahil sa 'pangingikil'

ABS-CBN News

 | 

Updated May 29, 2019 03:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kulong sa sarili nilang istasyon ang apat na pulis sa Muntinlupa City matapos maaresto sa isang entrapment operation nitong Biyernes ng hapon.

Nangikil kasi umano ang mga pulis ng P40,000 sa babaeng si alyas "Madam" na nahulihan daw nila ng ilegal na droga nitong Huwebes.

Nilusob ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mismong headquarters ng Muntinlupa City Police Station.

Naging maaksiyon ang entrapment dahil pagdating sa 4th floor ng mga awtoridad, ang mismong opisina ng mga target ay kinandado na.

ADVERTISEMENT

Pagpasok sa opisina, nakatalon na ang dalawang pulis ngunit nahabol pa din.

Positibo namang kinilala ni Madam ang mga tiwaling pulis.

"Ito po ang nag-demand ng P300,000 at sinaktan ako...Hinalughog ang bahay ko, kinuha lahat ng gamit ko," kuwento ni Madam.

Nakilala ang mga inarestong pulis na sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez, na pawang mga miyembro ng Intelligence at Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa police.

Nakuha naman sa opisina ng mga natimbog na pulis ang mga drug paraphernalia.

ADVERTISEMENT

Nag-init ang ulo ng NCRPO chief at sinigawan ang mga nangikil na pulis pagkarating nito sa istasyon.

"Hindi ba may mga nahuli na sa Maynila [dahil sa pangongotong]?Hindi pa kayo madala-dala," ani Chief Superintendent Guillermo Eleazar.

Iimbestigahan kung sangkot sa ilegal na droga ang mga pulis na nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion.

Pinaghahanap pa ang dalawang pulis na sinasabing nangikil din sa biktima.

—Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.