Lalaki nang-hostage ng kaniyang 87-anyos na ina; 2 rumespondeng pulis, sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nang-hostage ng kaniyang 87-anyos na ina; 2 rumespondeng pulis, sugatan

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO CITY — Nang-hostage ng kaniyang 87-taong-gulang na ina ang isang lalaki sa lungsod na ito, Linggo ng hapon.

Armado ng .38 caliber revolver, hinostage ng 56-anyos na lalaki ang kaniyang nanay sa kanilang bahay sa Burgos Street, Barangay 13.

Habang nakikipagnegosasyon, bigla umanong binaril ng hostage-taker ang 2 rumespondeng pulis.

Dahil dito, nasugatan sina police Staff Sergeant Jayson John Abesamis at Patrolman Hay-Ain Bundulan.

ADVERTISEMENT

Nabaril din ang suspek na nagtamo ng tama sa kanang kamay.

Dinala rin sa ospital ang nanay ng suspek na nagtamo rin ng sugat mula sa panghohostage ng anak.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng hostage-taking.

Pinuri at pinasalamatan naman ni Cagayan de Oro City police director Col. Aaron Mandia ang ipinakitang katapangan ng 2 pulis na bibigyan aniya ng pinansyal na tulong para sa kanilang pagpapagamot.

— ulat ni Maricel Butardo

MULA SA ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.