Kamara handang isulong ang mga priority bills ni Marcos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kamara handang isulong ang mga priority bills ni Marcos
Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Jul 18, 2022 07:03 PM PHT

MAYNILA — Inihayag ng liderato ng Kamara na hihintayin na muna nila na ilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nais nitong maipasang batas sa panibagong administrasyon.

Sabi ni Leyte Rep. Martin Romualdez, ang matunog na susunod na House Speaker, pakikinggan muna nila si Marcos sa kaniyang SONA sa Lunes.

"We look forward to his SONA which we expect to be informative and will be our guide plans moving forward to the 19th Congress... Indeed it will guide us with the legislative agenda of covering most important pieces of legislation," ani Romualdez, na pinsan ni Marcos.

Hindi pa naman sigurado si Romualdez kung sa mismong SONA ibibigay ng Pangulo ang National Expenditure Program o NEP na siyang panukalang batas para sa 2023 national budget.

Posible rin aniyang isulong nila muli ang mga panukala na lumusot sa Kamara sa 18th Congress pero hindi nakapasa sa Senado.

Sa magiging komposisyon ng Kamara at Senado, walang nakikitang magiging problema si Romualdez sa pagpasa ng mga panukalang batas.

"We are looking forward for a very very smooth functioning Congress, both houses," ani Romualdez.