Pagkamkam sa lupa, ari-arian ng ABS-CBN niluluto ng ilang kongresista
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagkamkam sa lupa, ari-arian ng ABS-CBN niluluto ng ilang kongresista
Christian Esguerra,
ABS-CBN News
Published Jul 20, 2020 07:26 PM PHT
|
Updated Jul 20, 2020 09:56 PM PHT

MAYNILA — Hindi pa tapos ang kalbaryo ng ABS-CBN matapos itong di makakuha ng bagong prangkisa mula sa Kongreso.

Mainit na usapan ngayon sa social media ang Zoom meeting ng mga kongresistang nagpasimuno sa pagbasura sa hiling na prangkisa ng ABS-CBN.

Sa Facebook page ni Mike Defensor noong Biyernes ay mapapanood sa meeting kasama niya ang ilang kritiko ng ABS-CBN tulad nina Rodante Marcoleta at Boying Remulla, na pawang mga mambabatas sa Kamara.

Dito lumalabas na may niluluto pa sila laban sa ABS-CBN kahit sarado na ang network at nagsimula nang magtanggal ng mga empleyado.

Puntirya nila ang titulo ng lupang kinatitirikan ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

"I think we have to meet next week, yung grupo natin saka yung mga chairman ng committee para lahat ng follow-through action natin magawa natin kasi marami pa tayong nakabitin na dapat gawin para we can do justice to our jobs," ani Remulla.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, isinumite ng ABS-CBN ang titulo sa komite at kung may reklamo si Marcoleta ay sa korte aniya ito dapat dumulog.

Target din ni Marcoleta na ipasara maski ang SKYcable kung saan umeere ang ANC at iba pang programa ng ABS-CBN kahit di na sakop ito ng nawalang prangkisa.

Mismong National Telecommunications Commission ang nagsabi sa Kamara noon na di kailangan ng prankisa ng cable TV operators.

"The operation of cable antenna television (CATV) system in the Philippines shall be open to all citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations wholly-owned and managed by such citizens under a certificate of authority granted by the NTC," ayon sa Executive Order No. 205, S. 1987 ni dating Pangulong Cory Aquino.

Pinipilit din ni Marcoleta ang NTC na pagmultahin ang ABS-CBN ng halos P2 trilyon dahil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng TVplus.

Dati nang sinabi ng NTC na hindi ilegal ang pag-offer ng network ng iba’t ibang channels sa TVplus gamit ang dati nitong prangkisa.

"Dalawa yung pinagagawa ko sa kanya, 'yung aralin nga nila 'yung executive order at saka 'yung multa na kinakailangan singilin niya sa ABS-CBN... P1.97 trillion, halos kalahati ng ating national budget," ani Marcoleta sa Zoom meeting.

Sa isang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na wala itong alam sa anumang pagkilos para patawan ito ng multa na may kinalaman sa mga property nito.

"ABS-CBN cannot confirm the veracity of claims in the cited news article and have no knowledge of any proceedings that impose fines or penalties or claims against the property cited therein," anang ABC-CBN Corp.
Dumistansya naman ang Palasyo sa nilulutong plano ng ilang kongresista.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
ABS-CBN
ABS-CBN franchise
prangkisa
Marcoleta
Remulla
Defensor
ABS-CBN sequester
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT