Sunog sumiklab sa bahagi ng ginagawang condo sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa bahagi ng ginagawang condo sa QC

Sunog sumiklab sa bahagi ng ginagawang condo sa QC

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 20, 2020 10:47 PM PHT

Clipboard

Sa inisyal na impormasyon, wala namang nakatira pa sa nasabing condominium. Screengrab

MAYNILA (UPDATE)— Sumiklab ang sunog sa isang construction site sa Quezon City nitong Lunes ng hapon.

Nangyari ang sunog sa ginagawang tower 2 building ng Sun Trust Condominium sa E. Rodriguez. Sa report mula sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunong alas-2:30 ng hapon at umabot sa ikalawang alarma.

Sa inisyal na impormasyon, walang nakatira sa nasabing condominium.

Nagsimula ang sunog sa bodega sa ikatlong palapag, na na nagsisilbing tambakan ng gamit at iba pang materyales sa construction, ayon kay Quezon City Fire Senior Inspector Lyndon Yap.

ADVERTISEMENT

Bandang 4:50 ng hapon ay idineklara nang under control ang apoy. Tuluyang naapula ang sunog alas 6:15 ng gabi.

Umabot sa 30 ang na-rescue na trabahador sa gusali. Walang nasugatan sa mga ito, bukod sa 43-anyos na si Alma de Dios na nagtamo ng gasgas sa tuhod.

Sa taya ng BFP, aabot sa P1.5 million ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy. Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.--May ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.