Bilang ng mga nabigyan ng ika-2 bugso ng SAP nasa 30 porsiyento: DSWD
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilang ng mga nabigyan ng ika-2 bugso ng SAP nasa 30 porsiyento: DSWD
ABS-CBN News
Published Jul 24, 2020 03:39 PM PHT

MAYNILA - Nasa 30 porsiyento pa lang ng benepisyaryo ng ika-2 bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ang nabibigyan ng ayuda, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao, nakapagbigay na sila ng ayuda sa 3.7 milyong benepisyaryo.

Aabot aniya ito sa mahigit P2 bilyon.
Aabot aniya ito sa mahigit P2 bilyon.
“Inaamin po namin na may mga challenges po talaga tayo but ito po ang masasabi natin, the challenges we have experienced have not wavered our commitment na ipamahagi itong ayuda. Kasalukuyang nangyayari itong mga payout activities natin at we expect these numbers to increase in the coming days,” ani Dumlao.

Tiniyak ng ahensiya na tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng cash aid dahil naproseso na ang mga payroll at nasa financial service providers na ang mga ito.

Aminado si Dumlao na hirap sila sa pamamahagi ng ayuda sa mga liblib na lugar dahil walang payout centers.

Dapat din aniyang tiyaking ligtas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga tauhan ng DSWD.

Target nilang matapos ang pamamahagi ng digital payment ngayong Hulyo at sa Agosto 15 naman para sa mga liblib na lugar.

Ang SAP ay ibinabahagi sa mahihirap na pamilyang sapul ng lockdown na ipinatupad sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
DSWD
social amelioration
cash aid
SAP cash aid
Department of Social Welfare and Development
coronavirus disease 2019
coronavirus update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT