Postal ID tatanggapin na sa passport application simula Agosto 1
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Postal ID tatanggapin na sa passport application simula Agosto 1
ABS-CBN News
Published Jul 25, 2019 06:02 PM PHT
|
Updated Jul 25, 2019 10:12 PM PHT

MAYNILA - Tatanggapin na ng Department of Foreign Affairs ang postal ID bilang valid ID na maaaring ipresenta ng passport applicants sa kanilang tanggapan simula Agosto 1.

Pinagtibay ito sa bisa ng kasunduan ng DFA at ng Philippine Postal Office (PHLPost).

Ayon kay Luis Carlos, Postmaster General ng PHLPost, gagamitin ang postal ID verification system para matiyak na lehitimo ang ipepresentang ID sa passport application.

Nadagdagan na rin daw ang features na magpapatibay sa seguridad ng postal ID at tiyaking hindi ito mapepeke.
Nadagdagan na rin daw ang features na magpapatibay sa seguridad ng postal ID at tiyaking hindi ito mapepeke.
ADVERTISEMENT
"It’s a web service na dinevelop within the post to verify even though their regional areas, ma-verify nila if the ID is authentic and issued by the post. That’s the one that really made the DFA make it now as a primary ID," ani Carlos.

Para makakuha ng postal ID, dapat ipresenta ang birth certificate na sertipikado ng Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office) o dalawang valid ID.

Dapat ding magdala ng barangay certificate o ano mang proof of billing na magpapatunay na nakatira ang aplikante sa isang lugar.
Kung babaeng kasal, dapat din silang magdala ng marriage contract na sertipikado ng NSO o PSA.

Pagbabayarin ng P504 ang aplikante para sa regular processing. Sa ilalim nito, ipapadala ang ID sa loob ng 10 hanggang 15 working days.

Kung gustong makuha agad ang postal ID, maaaring magbayad ng P650 para sa rush processing. Makukuha sa hapon ang ID kapag nag-aplay para rito bago ang kanilang cut-off ng alas-8:30 ng umaga.

Kapag hindi umabot sa cut-off ay maaaring makuha ang rush postal ID sa susunod na araw.

Hinimok ni Carlos na pumunta sa malapit na post office o mall para mag-aplay ng postal ID.

--Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
passport
application
passport application
Phlpost
postal ID
postal services
valid ID
tips
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT