Babae inatake sa puso, residente naputulan ng kamay sa sunog sa Makati

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae inatake sa puso, residente naputulan ng kamay sa sunog sa Makati

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Isang babae ang inatake sa puso habang isa pang residente ang naputulan ng kamay sa sunog na sumiklab sa Makati City nitong madaling araw ng Martes.

Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang isampa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang first alarm sa sunog na nangyari sa may Barangay Cembo.

Pasado alas-4 ng madaling araw naman nang tuluyan umanong maapula ang apoy, na tumama sa 10 bahay.

Ayon sa barangay kagawad na si Gary Valdez, isang residente ang naputulan ng kamay sa insidente pero ngayo'y "stable" na ang kondisyon nito.

ADVERTISEMENT

Ang isa namang residenteng may sakit sa puso ay inatake at dinala sa hospital pero binawian din ng buhay, dagdag ni Valdez.

Pansamantala munang mananatili sa simbahang malapit sa lugar ang mga apektadong pamilya, na nanawagan ng tulong.

"Kung ano po maitutulong sa amin ay tulungan na lang po nila kami na maka-recover sa nangyari, kasi talagang walang-wala po kami pera na naisalba," sabi ng nasunugang si Leonila dela Cruz.

Iniimbestigahan naman ng BFP ang sanhi ng sunog.

— Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.