PNP dapat magkaroon ng mental health program - Biazon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP dapat magkaroon ng mental health program - Biazon

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 27, 2018 08:40 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Dapat magkaroon na ng mental health program ang Philippine National Police (PNP) para sa kanilang mga tauhan.

Ito ang isinusulong ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon kasunod ng napabalitang pananampal ng isang pulis sa isang bus driver.

Nauna nang sinabi ni PO1 Edmar Costo na nasampal n'ya ang bus driver matapos itong sitahin dahil sa reckless driving pero tinangka ng driver na suhulan siya ng P100 pang-areglo.

Sa Twitter, sinabi ni Biazon na nakakaapekto na sa "state of mind" ng mga pulis ang stress na pinagdadaanan nila sa araw-araw na trabaho.

ADVERTISEMENT

Miyembro si Biazon ng House panel sa Congress Bicameral Conference sa Mental Health Bill.

Isinulong din nito na dapat magkaroon ng mental health care ang mga sundalong lumaban sa Marawi na maaaring apektado ng Post Traumatic Stress Disorder.

Nauna nang nagsalita si Sen. Chiz Escudero tungkol sa isyu, at sinabing hindi sapat ang paglilipat lang sa puwesto sa mga abusadong pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.