MMDA: 'Isolated cases' ang mga pagbangga ng bus sa EDSA concrete barriers

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA: 'Isolated cases' ang mga pagbangga ng bus sa EDSA concrete barriers

Zandro Ochona,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority na isolated cases lamang ang mga naitalang insidente ng pagbangga ng mga bus sa inilagay na concrete barriers sa EDSA para sa bus lanes.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation nitong Huwebes, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na maaari naman nilang itaas sa 5 na metro ang bus lane ngunit pinanindigan nito na speeding ang dahilan kaya bumabangga ang mga sasakyan sa concrete barrier sa EDSA.

Nang magsimula na ibalik ang mga biyahe sa bus, umabot na sa 30,000 ang biyahe sa EDSA pero 6 lamang ang naitatalang aksidente na kinasasangkutan ng mga concrete barriers, ani Garcia.

“Yung bus po na sumabit diyan is 79 kph, lagpas po sa speed limit na 50 kph,” aniya.

ADVERTISEMENT

Kinalampag ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang Land Transportation Office dahil lumalabas na hindi pa rin ipinatutupad ang batas na nagtatakda ng paglalagay ng speed limiter.

Sinabi ni LTO Asec. Edgar Galvante na wala silang kakayanan na matukoy kung gumagana ang inilalagay na speed limiter at tanging pagsiguro lang na naikakabit ito ang kanilang isinasagawa.

Pero giit ni Biazon, 2016 pa naipasa ang batas at hanggang ngayon pala ay hindi pa rin pala ito naipatutupad ng wasto.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.