7 miyembro ng 1 pamilya sa CDO nagpositibo sa Delta variant, ayon sa mayor

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

7 miyembro ng 1 pamilya sa CDO nagpositibo sa Delta variant, ayon sa mayor

ABS-CBN News

Clipboard

CAGAYAN DE ORO CITY—Nagpositibo sa mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 ang 7 miyembro ng 1 pamilya sa lungsod na ito.

Ito ang inanunsiyo ni Mayor Oscar Moreno Huwebes. Bukod sa 7 magkakapamilya, may isa pang kaso ng Delta variant sa lungsod.

Ang pinakamatanda sa pamilya ay ang lolo, 62, at ang pinakabata naman ay isang 11 buwang sanggol. Napag-alamang nagsagawa ng birthday party ang pamilya mula sa Barangay Balulang. Ayon kay Moreno, karamihan sa kanila ay asymptomatic maliban sa isa na dinala sa isang health facility.

Ipinadala ang kanilang specimen sa Philippine Genome Center noong July 7 at lumabas ang resulta noong July 25.

ADVERTISEMENT

Ang pamilya ay na-certify na "recovered" noong July 15 at nakauwi sa kanilang bahay. Iniutos ni Moreno na mabalik sa temporary treatment and monitoring facility ang pamilya para sa retesting at nang muling ma-obserbahan . Babantayan din ang mga kapitbahay kung mayroong exposure at mapag-aralan kung kailangan na mag-deklara ng granular lockdown.

Mayroon ding isang kaso ng Delta na nagmula sa Barangay Canitoan.

Dahil sa mga bagong kaso, abot na sa 13 ang kaso ng Delta sa Cagayan de Oro.

Nanawagan si Moreno sa mga residente na huwag mag-panic at patuloy na sundin ang mga health protocols habang isinagawa din ang pagbabakuna.

Extended hanggang August 7 ang enhanced community quarantine sa Cagayan de Oro. Noong July 16 isinailalim sa ECQ ang lungsod dahil sa pagkadiskubre ng Delta variant mula sa limang COVID-19 cases.

Hanggang nitong Huwebes, mayroon nang kabuuang 1,587 COVID-19 cases sa lungsod. — Ulat ni PJ Dela Peña

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.