Mga nahuling 'nanggulo' sa protesta sa NutriAsia, kinasuhan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nahuling 'nanggulo' sa protesta sa NutriAsia, kinasuhan
ABS-CBN News
Published Jul 31, 2018 06:29 PM PHT
|
Updated Jul 31, 2018 09:46 PM PHT

Sinampahan ng kaso ng mga pulis ang mga naarestong umano'y pasimuno ng gulo sa pagitan ng mga guwardiya ng NutriAsia at mga nagwewelga nitong Lunes.

Mga kasong alarm and scandal at physical injury ang isinampa ng Meycauayan police laban sa 19 nilang inaresto.

Hugas kamay naman ang NutriAsia at patuloy na itinatangging na sa panig nila nagsimula ang marahas na insidente.

“After ng misa sila po ang lumusob, wala po kaming intensiyon na buwagin ang grupo nila,” giit ni Jhoniefer Luyun, security guard.

Sa video na binigay ng kompanya, makikita umanong sumugod ang mga welgista na sinalubong lang ng mga guwardya.

“Nagkaroon sila ng iringan ng mga guwardiya...[Kahit inaawat namin] patuloy pa rin ang mga welgista na namamato at nanamalo sa mga guwardiya,” ayon sa hepe ng Meycauayan police na si Superintendent Santos Mera Jr.

Nasamsam naman ng mga pulis sa mga nagprotesta ang mga malalaking tipak ng bato at mga kahoy.

'MGA GUWARDIYA ANG MAY SALA'
Pero ayon sa grupo ng mga manggagawa ng NutriAsia, sa mga guwardiya nagsimula ang karahasan.

"Iyung mga guwardiya, sila ang nagtulak. Humanay ang mga guwardiya at tumulak sila nang mabilisan," giit ni Alvin Lascano, vice president ng Nagkakaisang Manggagawa.

Nagprotesta naman ang ilang mag-aaral ng UP Diliman nitong Martes upang kondenahin ang pag-aresto sa dalawang estudyante nilang nasangkot sa insidente sa Bulacan.

Maging ang mga miyembro ng ANAKBAYAN-US, nanawagan na palayain na ang dalawa sa kanilang mga miyembro na naaresto.

Sa isang pahayag, sinabi ng NutriAsia na ikinalungkot nila na may mga matatanda at bata na nadamay pa.

Pero wala naman daw silang planong magsampa ng kaso laban sa mga naaresto. —Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News