6 na agila pinakawalan sa Makiling Forest Reserve | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 na agila pinakawalan sa Makiling Forest Reserve

6 na agila pinakawalan sa Makiling Forest Reserve

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

LAGUNA - Malayang nakalipad sa natural nilang tahanan ang 6 na serpent eagle matapos pakawalan sa Makiling Forest Reserve, Lunes.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ang 6 na agila ay ilan lamang sa mga nailigtas ng ahensya. "These animals are lucky kasi yung ibang kasama niyan hindi na nakasurvive pagdating sa amin dahil sa gunshot wounds, 'yung iba galing sa illegal trade," saad ni Glenn Maguad, beterinaryo ng DENR.

Ayon sa mga opisyal ng DENR, sa Makiling pinakawalan ang mga agila dahil sa maayos na kalagayan ng gubat at bundok.

"Sa buong ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), may humigit kumulang 2,000 na protected areas, ang Mt. Makiling ay nasa number 33," sabi ni Nathaniel Bantayan, direktor ng Makiling Center for Mountain Ecosystems.

ADVERTISEMENT

"Sabi nga ng Food and Agriculture Organization, exemplary ang forest management sa Mt. Makiling," dagdag niya.

Ayon sa DENR ang serpent eagle ay kabilang sa mga threatened species na nasa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.