Ilang evacuees sa Batanes quake nagkakahawahan na ng sakit
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang evacuees sa Batanes quake nagkakahawahan na ng sakit
ABS-CBN News
Published Aug 01, 2019 07:26 PM PHT

Nagsisimula nang magkasakit ang ilang mga residente ng Itbayat, Batanes na tumutuloy ngayon sa evacuation centers matapos ang serye ng lindol noong nakaraang linggo.

Karamihan sa mga idinadaing na sakit ng evacuees ay ubo, sipon, altapresyon, at pananakit ng tiyan. Marami sa mga sakit na ito ay madaling maipasa dahil dikit-dikit ang mga tinutuluyang tents.

Bukod pa diyan, sinisisi din ng mga residente ang madalas na pagbabago ng panahon sa Batanes.

Sa tala ng Itbayat District Hospital, 40 na ang may ubo’t sipon, kung saan 19 ang bata at 21 ang matatanda. May 6 na ring naitalang may diarrhea, at 3 dito ay mga bata.

"Pumapasok na 'yung mga na-anticipate nating medical problems after the sakuna. Una, bumabagsak na mga resistensiya nila. Baka dehydrated sila. Then papasok na ang mga respiratory track infection, pneumonia, lagnat," sabi ni Dr. Allan Sande, pinuno ng pagamutan.

Maaari rin daw hindi ligtas ang pinanggagalingan ng tubig na iniinom ng evacuees. May mga bottled water naman na dumarating pero hindi ito sapat.

"Ang suplay ng tubig hindi natin alam kung saan-saan na lang sila kumukuha, so hindi natin ma-assure kung ito ay malinis," sabi ni Sande.

Bukod sa inumin, problema rin ang pang-araw-araw na tubig na gagamitin gaya ng panlaba at pampaligo.

"Sa ngayon po medyo mahirap ang tubig... Kulang po kasi nasira po 'yung mga pipe noong maglindol pero tuloy-tuloy naman po ang kanilang pag-aayos," ani Batanes Gov. Marilou Cayco.

Kaya para hindi na kumalat pa ang mga sakit, ang ilang pamilyang nakatira sa idineklarang mga ligtas na lugar ay pinauuwi na.

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT