Support network para sa Pinoy nurses sa Spain, mas pinalakas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Support network para sa Pinoy nurses sa Spain, mas pinalakas

Sandra Sotelo-Aboy | TFC News Spain

Clipboard

MADRID - Nabuo ang grupong ‘Nars ako sa Espanya’ sa Madrid habang sa Barcelona, mayroon ding 'Filipino Nurses in Barcelona.'

Ito ang mga grupo ng Pinoy nurses at iba pang medical, sanitary professionals tulad ng paramedic, radiologists, midwife at iba pa na tumatayong support network ng mga Pinoy sa mga nabanggit na propesyon.

Binuhay ng dalawang grupo ang bayanihan spirit ng mga Pinoy medical professionals para makatulong na makapasok at maiangat sa trabaho ang kanilang kapwa professionals. Gayundin para magamit sa Espanya ang kanilang natapos na kurso sa Pilipinas.

1

“So, we decided to put it on Facebook and suddenly we found so many people interested to be volunteers. So, we thought of an idea with my consuls that we should have a program for Filipinos. So, a few months ago, we had about 88 people coming here,” sabi ni Amb. Phillipe J. Lhuillier, Philippine ambassador to Spain.

ADVERTISEMENT

Dahil sa FB post, nagkaroon ng ugnayan ang maraming Filipino nurses. Karamihan ay namamasukan sa ibang propesyon dahil mahaba ang proseso at maraming papeles ang kailangan para mai-rehistro ang kanilang propesyon sa Spanish government.

2

“The Facebook was full. We were nervous about where to put them. And the first day we had 88 of them coming over here and we were very surprised. And I would like to thank the actual nurses right now that have helped educate other nurses,” saad ni Ambassador Lhuillier.

May mga registered Pinay nurses sa Espanya na tumutulong sa kapwa Pinoy para magbigay ng training at workshops para hindi mapag-iwanan sa kaalaman at para makasabay sa mga bagong patakaran o pamamaraan ng Spanish Health System.

Nagbibigay din ang ilang volunteers ng intensive training sa embahada, gaya ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), pharmacology, at kung paano harapin ang stress sa trabaho at mga practical review kung paano i-set-up ang isang Intravenous (IV) transfusion.

edzel

Si Edzel Lopez, supervisor ng isang private hospital sa Madrid, ang pinuno ng ‘Nars ako sa Espanya’ group. Kapag day-off o maluwag ang schedule, nagtuturo siya ng kaalaman sa kapwa Pinoy nurses na nasa Espanya na.

ADVERTISEMENT

“Gusto ko lang tumulong, magbigay ng tulong sa kapwa ko nurses, hindi lang sa nurses dito, siyempre yung medical practitioners natin na mga Pinoy na narito na sa Madrid,” sabi ni Lopez.

Pero hindi lang si Lopez ang handang tumulong.

4323

“Gusto ko sanang i-impart ang aming mga natutunan as nurses na nagtatrabaho na dito sa Spain,” sabi ni Roderick Fornal, member, ‘Nars ako sa Espanya’ group.

May proyekto naman ang embahada na magbigay ng free clinic service sa mga kababayan, lalo na sa mga bata at sanggol at sa mga wala pang medical insurance o sanitary card ng Espanya.

6

Nagbibigay ng libreng konsultasyon at check-up si Dra. Sharon Dumo. Tinutulungan naman siya ng volunteer nurses para ma-practise ang kanilang propesyon.

BARCELONA, SPAIN

Sa Barcelona, puspos din ang training para sa nurses na ginaganap sa Philippine Consulate. Tinutulungan din ng ilang Pinoy nurses ang ilang kababayan upang makapasa sa Spanish language exam.

ADVERTISEMENT

Nagbibigay din sila ng tips tungkol sa processing ng convalidation at recognition ng kanilang nursing degree.

“Malaking tulong po yung refresher’s course na binigay ng konsulado sa mga kapwa ko Filipino nurses kasi na-refresh po lahat ng mga natutunan namin,” sabi ni Benneth Estrada, member, Filipino Nurses in Barcelona.

Ayon sa datos ng Instituto Nacional de Estadistica (INE) o National Statistics Institute ng Espanya, tumaas ng 3% ang bilang ng registered doctors at dumami rin ng 2.1% ang registered nurses noong isang taon.

Sa kabila nito, nangangailangan pa rin ang Espanya ng karagdagang 127,000 bagong nurses sa hinaharap para maibsan ang kakulangan ng nurses dahil sa mga magreretiro sa mga susunod na taon. Kaya ang support group ng mga Pinoy ay malaking tulong para mapasok nila ang medical profession sa bansa.

(Kasama ang ulat ni Adrian Mansat sa Barcelona, Spain)

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad