12 arestado sa loteng sa Metro Manila

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

12 arestado sa loteng sa Metro Manila

Michael Delizo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 04, 2019 01:48 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Arestado ang 12 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kontra sugal na loteng sa iba't ibang lugar sa Metro Manila nitong Sabado.

Sampu sa mga naaresto ay kolektor ng taya, habang ang isa ay kabo o bet collector supervisor.

May isa ring hinuli dahil sa obstruction of justice matapos harangan ang mga operatiba sa pagsalakay.

Ayon kay NCRPO director Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar, nagkasa nitong Sabado ng sabayang operasyon para buwagin ang ilegal na numbers game sa Quezon City, Parañaque City, Pasig City at Las Piñas City.

ADVERTISEMENT

Ang naturang operasyon ay bahagi ng pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na sugal alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna nang nakipagpulong ang NCRPO sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para masawata ang loteng.

Isinasagawa ang numbers game sa loteng sa pamamagitan ng lotto draws.

Hindi gaya ng lotto, walang napupuntang pondo sa PCSO para pondohan ang charity.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.