Pondo ng bayan idiretso na lang sa mga ospital imbes sa PhilHealth: Zarate
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pondo ng bayan idiretso na lang sa mga ospital imbes sa PhilHealth: Zarate
Zandro Ochona,
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2020 11:07 PM PHT

MAYNILA - Imbes na idaan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), mas mainam na idiretso na lamang ang pondo ng bayan sa mga ospital, ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kasabay ng pahayag ng ahensiya na paubos na ang kanilang pondo.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Zarate na ang pag-amin ng PhilHealth na maaaring maubos na ang pondo nila pagsapit ng 2022 sa Senado ay nagpapatunay lamang sa posisyon ng Makabayan bloc na ang pondo mula sa pambansang budget ay idiretso na sa mga ospital.

Mistulang lubog na sa kurapsyon at sindikato ang Philhealth kaya mahirap ipagkatiwala sa kanila ang pera ng taong bayan, ayon sa mambabatas.

"As it is, Philhealth seems to be so entrenched in corruption and syndicates that it is hard for us to trust it with people's money. They can't even answer why their IT resources were overpriced as well as overpriced COVID testing and a slew of other anomalies,” ani Zarate.

Dapat aniyang papanagutin ang PhilHealth kaugnay dito at may dapat na masibak dahil sa mga anomalya.

"Philhealth should answer all these allegations and heads must roll due to these anomalies," ani Zarate.

Isiniwalat nitong Martes ng isang opisiyal ng Philhealth ang umano'y mga kaduda-dudang gawain sa ahensiya, na aprubado pa umano ng matataas na opisyal nito.

Read More:
PhilHealth
PhilHealth funds
PhilHealth corruption
Zarate
Carlos Isagani Zarate
TeleRadyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT