Metro Manila LGUs nagsimula nang mag-isyu ng quarantine pass bago ang ECQ
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Metro Manila LGUs nagsimula nang mag-isyu ng quarantine pass bago ang ECQ
ABS-CBN News
Published Aug 04, 2021 08:25 PM PHT
|
Updated Aug 05, 2021 02:09 AM PHT

MAYNILA (UPDATED) — Sa nalalapit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Biyernes, nagsimula nang mag-isyu ng mga quarantine pass ang iba't ibang lungsod.

Mas mahigipit na protocol ang puwedeng asahan oras na umiral ang ECQ sa Biyernes, ayon mismo sa Quezon City Department of Public Order and Safety.

Sa Barangay Claro sa QC, marami na ang nag-apply para magkaroon ng quarantine pass pero marami rin silang tinanggihan.

"Manghingi sana ko kung lalabas. Mga pamangkin ko may trabaho din. Magpasabay na lang daw ako kung sino meron," ani Consolacion Basco.

Plano ng barangay na magtalaga ng mga tauhan na puwedeng mautusan ng mga hindi puwedeng lumabas ng bahay.

Sa Barangay E. Rodriguez, kasama sa listahan ng requirement para makakuha ng quarantine pass ang vaccination card.

Pero iba ang sistema sa Barangay Holy Spirit. Ang tauhan ng barangay ang magbabahay-bahay para mamahagi ng quarantine pass. Isang pass lang ang ibibigay sa bawat tahanan.

Samantala, sa San Juan City, nilinaw ni Mayor Francis Zamora na hindi kailangan ng quarantine pass ng mga authorized persons outside of residence (APOR).

Sa lungsod ng Pasay, magsisimula nang mamigay ng mga quarantine pass.

Naglabas na din ng schedule ang lungsod para sa mga mamimili sa palengke. Hinati sa mga barangay ang mga araw kung kailan pwede bumili sa Pasay Public Market ang mga residente,

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government na magiging mas mahigpit sila ngayon sa galaw ng mga tao.

—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT