Nakaw na kotse, iniwan sa pulis sa Ilocos Sur

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nakaw na kotse, iniwan sa pulis sa Ilocos Sur

Ria Galiste,

ABS-CBN News Ilocos Sur

 | 

Updated Aug 05, 2016 10:47 PM PHT

Clipboard

LAOAG, Philippines – Isang kotse ang ibinigay sa kustodiya ng Highway Patrol Group (HPG) sa Ilocos Sur matapos mapag-alaman ng nakabili dito na nakaw pala ang sasakyan.

Nasa kustodiya ngayon ng HPG ang isang Toyota Vios na 2016 model matapos ito isauli ng isang residente ng bayan ng Magsingal. Nagduda kasi ito, dahil nabili niya ito sa murang halaga na mahigit P300,000 lamang, bagama’t bago pa ang sasakyan.

Naudyok ang residente na ipatingin sa HPG ang mga dokumento na binigay sa kanya ng dealer na nagbenta sa kanya ng kotse, at dito napatunayang ninakaw pala ang nabiling sasakyan.

Ayon naman kay Senior Inspector Jordan Sambo, hepe ng HPG Ilocos Sur, dahil na rin sa mga naipakita sa telebisyon noong makalipas ukol sa mga nakaw na sasakyan ay tuluy-tuloy ang mga dumayo sa kanilang opisina upang magpa-verify. Dahil dito ay napatunayan na kasama ang nasabing sasakyan sa mga nabenta na kotseng nakaw. Ang Toyota Vios ay pagmamayari umano ng isang taong nakatira sa lungsod ng Makati.


May mga nakuha nang impormasyon ang mga otoridad kung sino ang nagbabagsak ng mga kotseng nakaw sa Ilocos Sur. Noong nakaraang linggo kasi, isang Toyota Vios na 2015 model, at Hyundai Accent na 2015 model ang na-surrender rin ng dalawang taga-bayan ng San Juan, Ilocos Sur matapos hikayatin ang mga ito na ibigay na lang ang mga kotse sa HPG upang hindi sila madamay kung sakaling may magsampa ng kaso.

ADVERTISEMENT

Isa ring abandonadong Mitsubishi Montero ang natagpuan sa Candon City Wet Market.

Ang mga nagpapakilalang dealer ay umanong sina Rebecca at Ricky Caliza, na nakatira sa Lungsod ng Quezon, pero duda ang HPG kung ito ang tunay na pangalan ng mga suspek kung kaya’t sila ay naglabas na rin ng litrato ng mga ito.

Payo ng kapulisan ay maging maingat sa pagbili ng sasakyan, lalo na kung ito ay hindi sa lisensyadong dealership, at lalo na kung masyado itong mura para sa kalidad nito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.