Pagbabalik ng biyaheng Caloocan-Makati ng PNR, ikinatuwa ng mga pasahero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbabalik ng biyaheng Caloocan-Makati ng PNR, ikinatuwa ng mga pasahero
ABS-CBN News
Published Aug 05, 2018 07:25 PM PHT

Ikinatuwa ng mga pasahero ang muling pag-arangkada ng Philippine National Railways (PNR) mula Caloocan hanggang Dela Rosa, Makati dahil sa mabilis na biyahe at murang pasahe.

Ayon kay Thelma Rivera, dahil sa ibinalik na PNR line ay naiwasan niya ang mga problemang karaniwang nararanasan ng mga pasaherong papuntang Makati gaya ng masikip na trapiko sa EDSA, at mga aberya at mahabang pila sa MRT.

Mula sa dalawang oras ay 30 minuto na lang umano ang kaniyang biyahe.

"Before kasi bus ako eh, 'yong normal trip ko na two hours from here to Makati, it was cut short for 30 minutes so happy na ako dito," aniya.

"Unlike sa ibang commuter train, masikip. Minsan masisiraan pa," sabi naman ng pasaherong si Darwin Tumanday.

Sa pagsubok ng ABS-CBN News, inabot ng 37 minuto ang tagal ng biyahe mula Caloocan hanggang Makati.

Miyerkoles nang magsimulang bumiyahe muli ang linya matapos ang dalawang dekada.

Nasa P15 ang minimum fare sa pasahe, at may 20 porsiyentong diskuwento para sa mga senior citizen at persons with disability.

Tigdalawa sa umaga at hapon ang biyahe ng mga airconditioned na tren sa PNR Caloocan-Makati line.
Tigdalawa sa umaga at hapon ang biyahe ng mga airconditioned na tren sa PNR Caloocan-Makati line.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Joseline Geronimo, officer-in-charge ng PNR, simula pa lang ang Caloocan-Makati line sa pagpapasigla ng PNR sa kanilang mga linya.

"Gusto na naming umpisahan ang pag-revive sa aming network. Fifty-four trips within a day. 'Pag dumating iyong bagong trains next year, we're hoping na mai-launch namin 'yong 100 trips target namin," ani Geronimo.

Pinag-aaralan na rin umano ng pamunuan ng PNR ang iba pang puwedeng ruta at pagdagdag sa mga biyaheng pa-Makati sa mga darating na linggo.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
pasahero
pasahe
tren
commuter
PNR
Philippine National Railways
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT