Mga tao pumila sa vaccination site sa Las Piñas kahit oras ng curfew

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tao pumila sa vaccination site sa Las Piñas kahit oras ng curfew

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 05, 2021 07:35 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Nawala na ang physical distancing sa pagdagsa at pagpila ng daan-daang tao sa labas ng ilang vaccination site sa Las Piñas City Huwebes madaling-araw.

Ito’y kahit inanunsyo ng lokal na pamahlaan na bawal mag-abang sa bakunahan sa oras ng curfew.

Biglang nagsipasukan ang mga tao sa parking area ng isang mall pasado alas-2 ng madaling-araw.

Nahirapan silang pigilan ng mga guwardiya ng mall, kaya pinapasok na lang sila. Hindi na rin sila pinaalis ng mga tanod ng barangay.

ADVERTISEMENT

Marami sa mga tao ay pumila na sa labas ng mall noong gabi pa lang, pero pinaalis ng mga pulis ng alas-10 ng gabi dahil sa curfew.

Pero hindi rin sila nagsiuwian dahil sa pangambang maunahan kapag natapos ang curfew.

Kuwento ng ilan, nangangamba sila sa muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19 lalo ng Delta variant.

Mayroon namang nag-utos na mga kompanya na magpabakuna sila para makapagtrabaho.

Ang problema, hindi na rin makapaghintay ang marami na makakuha ng schedule sa vaccination site.

ADVERTISEMENT

Bandang alas-4 ng madaling-araw, umabot na din sa kalsada ang pila ng mga nag-aabang ng bakuna sa labas ng iba pang vaccination sites sa Alabang-Zapote Road.

Kaya ang ginagawa ng ilan, nagsa-site hopping para makita kung saan mas maiksi ang pila.

Ayon sa tagapagsalita ng Las Piñas LGU na si Paul San Miguel, ngayong linggo lang ulit nagkaroon ng first dose ng bakuna sa lungsod kaya ilang araw nang dinadagsa ang vaccination sites.

Pero giit nila, priority sa bakuna ang mga nakapagparehistro na may QR code at patient ID number pati mga senior citizens.

Ngayong Huwebes, 4,800 doses lang ang inanunsyong maibibigay sa 7 vaccination site.

ADVERTISEMENT

Sabi ng lungsod, magtutuloy pa rin ang bakunahan sa 2 linggo ng enhanced community quarantine pero bawal ang mga walk-in.

Sa huling tala ng Department of Health, may 14 na kaso ng Delta variant sa Las Piñas, ang pinakamarami sa 9 na siyudad sa Metro Manila na mayroon nang mga kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.