Militar at NPA muling nagkabakbakan sa Batangas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Militar at NPA muling nagkabakbakan sa Batangas

ABS-CBN News

Clipboard

Muling nagkasagupa ang mga tauhan ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army at ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) sa Barangay Malalim na Sanog, Lobo, Batangas nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Lobo police station, nangyari ang bakbakan bandang alas-10 ng umaga at tumagal ng 3 minuto.

Agad din umanong umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng lugar.

Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa panig ng militar, habang hindi pa alam kung may nasaktan o namatay sa panig ng mga rebelde.

ADVERTISEMENT

Sa report ng 59th IB, may narekober ang mga ito na caliber .45 pistol sa lugar.

Ito na ang ika-4 na engkuwentro ng militar at NPA sa Batangas sa loob ng isang buwan na ikinamatay na ng 2 katao.

Mahigpit na nagtuturuan ang magkabilang panig kung sino ang nakabaril sa isang 12 anyos na batang babae na naipit sa bakbakan noong unang magkasagupa ang dalawang puwersa sa katabing bayan ng Taysan noong Hulyo.

Nauna na itong ibinintang ng NPA na kagagawan ng militar ang pagkamatay ng bata.

Dagdag nila, isa lamang simpleng magsasaka ang isa pang namatay sa engkuwentro sa bayan ng Calaca. Pero ayon sa militar, miyembro ito ng NPA.

Giit naman ng 59th IB, mga lehitimong engkuwentro ang naganap.

—ulat ni Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.